^

Punto Mo

Patnubay sa pagkain ng prutas  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Philstar.com

• Kainin ang fresh fruits nang wala pang laman ang tiyan. Makukuha ng iyong katawan ang lahat ng nutrients kung gagawin mo ito. Isang oras ang palipasin bago kumain ng solid meal.

• Kung hindi maiwasang kumain ng prutas matapos kumain ng solid meal, tandaan ang mga sumusunod: Dalawang oras ang palilipasin bago kumain ng prutas pagkatapos ng “solid meal”. Isang oras ang ginugugol ng prutas bago matunaw sa loob ng bituka. Kaya kung kakain agad kayo ng prutas pagkatapos ng “solid meal” (agahan, tanghalian o hapunan), itutulak ng prutas ang mga kinain n’yo kahit hindi pa ito natutunaw sa maliit na bituka: kanin, karne, gulay, na magreresulta ng indigestion, bloating, gases at madalas na pag-utot.

• Walang prutas na “acidic”. Lahat ng prutas ay alkaline. Nagiging “acidic” lang ang prutas kapag humalo ito sa mga pagkaing dati nang nasa bituka/tiyan.

• Kung paninidigan mo ang pagkain ng prutas na wala pang laman ang iyong tiyan, mawawala ang mga problemang sumusunod: pamumuti ng buhok, nakakalbo, bigla na lang inaatake ng nerbiyos at pangingitim ng paligid ng mata.

• Kung ikaw ay iinom ng fruit juice, dapat ito ay fresh at hindi dumaan sa “cooking” o anumang processing. Ang pagluluto sa juice o mismong prutas ay nakakasira ng vitamins.

• Kung iinom ng fresh juice, dapat ay dahan-dahan ang pag-inom kung saan ang laway mo ay hahalo sa juice bago lunukin.

• Kung nais malinis ang loob ng katawan, mag-3 day fruit fast. Basta fresh fruits lang at fresh juice  ang kakainin at iinumin sa loob ng tatlong araw.

• Ang prutas ay may tatlong grupo: 1) astringent fruit – apples, berries, cherries, pear. 2) sweet fruits – papaya, mangga, saging, peach, avocado 3) sour fruits – orange , lemon , tangerine, dalanghita, grapefruits, suha. Eat one fruit group at a time.

• Ang melon o pakwan ay kainin nang walang kahalong ibang prutas mula sa ibang grupo.

PRUTAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with