Manang Rose (105)
Kinatatakutan ni Manang Rose ang pagdating ng panahon na nagsipagtapos na ang kanyang anim na “ampon”. Kapag dumating ang panahon na yun—na may sarili ng pamilya ang mga “ampon”, tiyak na mag-iisa na lamang siya. Wala na siyang maririnig na halakhakan kapag nagkukuwentuhan ang mga “ampon”. Wala nang magtatampuhan na gaya nang nangyari kina Gino at Eliz. Wala na ring magtatanong sa kanya kung nakakain na o kaya ay ano ang pakiramdam lalo kung masama ang pakiram. Wala na ring magpupunas sa kanya gaya nang ginagawa ni Eliz.
Napabuntung hininga na lamang si Manang Rose at pinakalma ang sarili sa pamamagitan ng pagtingin sa mga naka-frame na picture ng mga “ampon” nang mag-graduate noong high school. Dinispley niya ang mga framed pictures sa salas.
Masayang-masaya siya habang isa-isang tinitingnan ang mga pictures.
Ang sarap ng pakiramdam niya—walang kasing sarap. Siguro mas lalo na kung nakatapos na sa college ang anim.
(Itutuloy)
- Latest