^

Punto Mo

Kampanya ni Acorda vs loose firearms, umaarangkada na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

CONGRATULATIONS to the newly-promoted Major General Romeo Caramat, director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)!

• • • • • •

Umaarangkada na ang kampanya ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na kumpiskahin ang loose firearms upang maging matiwasay at tahimik ang darating na Barangay at Sanggu­niang Kabataan Election (BSKE). Siyempre, ang nangunguna sa kampanya sa buong Pinas ang ay CIDG, sa ilalim ni Maj. Gen. Romeo Caramat.

Ang unang tatargetin ng mga tauhan ni Acorda ay ang mga private armed groups (PAGs), lalo na ‘yung nasa payroll ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves. Eh di wow! Ayon kay Acorda, bibisitahin niya, kasama ang mga opisyales ng Commission on Elections (Comelec) ang Negros Oriental para siguraduhin na hindi makapaghasik ng lagim ang mga tauhan ni Teves sa BSKE sa Oktubre. Dipugaaaaa!

Hindi lang ‘yan! May programa rin ang Firearms and Explosive Office (FEO) na buksan ang kanilang one-stop-shop tuwing Sabado at Linggo upang maibsan ang nagkalat na loose firearms sa kalye. Nais kasi ni FEO director Brig. Gen. Kenneth Lucas na ma-renew ang mga LTOPF at license ng mga baril para madaling ma-trace ang mga ito kapag nagamit sa krimen at iba pang kasamaan.

Marami kasing baril na nabenta na, o iba na ang may-ari at kapag naging loose firearms ang mga ito ay maaring magamit pa sa kriminalidad, ani Lucas. Eh di wow! Kaya sa mga kakosa ko na gunholders, abayyyyy i-renew na ang rehistro ng mga baril n’yo bago ito kumpiskahin ng mga tauhan ni Lucas. Mismooooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang unang tinamaan ng Oplan Paglalansag Omega ng mga tauhan ni Caramat ay ang dalawang barangay chairmen, isang LGU employee at isa pa sa Sto. Tomas, Isabela base sa search warrants na inisyu ni Judge Andrew Barcena, ng Iligan City RTC.

Si Eduardo Talaue Jr., na isang SB member ng Centro Poblacion, Sto. Tomas ay nakumpiskahan ng isang 12-gauge shotgun, caliber .45 pistol at mga assorted na gamit ng baril at bala. Tsk tsk tsk! Mukhang walang papeles ang mga gamit ni Talauea ah!        

Si chairman Francis Mamauag, ng San Roque, Sto. Tomas ay nakuhaan ng caliber .45 pistol; ang LGU employee na si Jayson Paeste ng M16A1 rifle, at mga gamit ng naturang baril at  bala ng caliber .45 pistol. Samantalang si chairman Jimmy Lopez Paeste Jr., ng Colungaun, Sto. Tomas ay nakumpiskahan ng M16 Armalite rifle, at caliber .45 pistol at mga gamit at bala. Habang si Ricky Boy Bautista ng Bgy. Poblacion naman ay boluntaryong isinuko ang kanyang caliber .45 pistol. Abayyyyy nagkalat pala ang baril sa Sto. Tomas, Isabela no mga kosa? Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa Tondo, Manila naman, nalansag ng CIDG Manila District Field Unit ang Gonzales Criminal Group at naaresto ang lider nito na si Allan Barbosa Gonzales, at henchman na si Francis Cabrera Jr. Nakumpiska sa kanilang ang isang caliber .38 revolver, pen gun at mga boodle money. Dipugaaaaa!

Ayon kay Caramat, tuloy-tuloy lang ang kampanya nila vs loose firearms para makamtan ang adhikain ni Acorda na mapayapang BSKE. “The CIDG remains committed to its mandate of maintaining peace and order in our community. We will uphold the law and bring violators to justice,” ani Caramat. Abangan!

vuukle comment

LOOSE FIREARMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with