^

Punto Mo

Manang Rose

Ronnie Halos - Pang-masa

“Ganun ang gawin mo Manang, sabihin mo sa Mama ni Eliz ang mga problemang kahaharapin,’’ sabi ni Gino.

“Mabuti pa nga.’’

“Kung talagang mahal niya ang mga anak, makikinig siya di ba Manang?’’

Tumango si Manang. Humanga siya kay Gino sa pasya nito. Mabilis mag-isip si Gino.

“Isa pa, Manang, kung sasabihin mo sa mama ni Eliz ang problema, maaring ma-realize niya ang lahat at baka magbago ang pasya niya sa ka-live-in. Sino ba ang mahalaga sa kanya—ang mga anak o ka-live-in?’’

Napatangu-tango uli si Manang.

“Gawin mo na agad Manang habang maaga.’’

“Pero ang isang naiisip kong problema, sinabi sa akin ni Eliz na huwag ko na raw kausapin ang mama niya.’’

“Puwede ba yun? Talagang dapat kausapin mo ang mama ni Eliz para malaman nito ang problema. Hindi naman tama ang plano ni Eliz. Gusto niyang ampunin mo ang dalawa niyang kapatid pero ayaw namang kausapin ang mama niya—mahirap yun Manang.’’

“Tama ka Gino. Kakausapin ko ang mama ni Eliz.’’

Napatango na lang si Gino. Nasiyahan sa pasya ni Manang Rose.

KINABUKASAN sa school nina Gino at Eliz. Recess, nilapitan ni Eliz si Gino.

“Gino sabay uli tayo mamaya pag-uwi!”

“Bakit?’’

“Basta sabay tayo. Ayaw mo yata eh?’’

“Sige. Magkita tayo sa gate.’’

“Sige.’’

“May sasabihin ka ano?’’

“Oo. Mamaya na lang Gino.’’

“Sige, Eliz.”

(Itutuloy)

GINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with