^

Punto Mo

Pamahiin ng mga sikat (Last part)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Robin Williams: May iniingatan siyang elephant ivory na ibinigay pa ng kanyang ama. Ayon sa British Metro Newspaper, ito ang nagsisilbing lucky charm niya.

2. Axl Rose ng bandang Guns and Roses: Hindi siya nagko-concert sa lugar na nagsisimula sa M ang pangalan. May sumpa sa kanya ang letter M.

3. Bago magsimula ng trabaho si Chef Rachel Ray ay patalikod siyang nagtatapon ng asin sa kanyang balikat para matanggal ang malas.

4. Tinatapik ni Winston Churchill ang kanyang black cat para datnan ng magandang suwerte.

5. Pinaniniwalaan ni Hitler na number 7 ang nagbibigay sa kanya ng good luck kaya kapag nagpaplano siya ng pakikipaggiyera, itinatapat niya ito sa ika-7 buwan.

6. Ang English author na si Samuel Johnson ay kanang paa ang una niyang inihahakbang pagpasok ng bahay.

7. Si U.S. President Harry S. Truman ay may nakasabit na horseshoe sa pintuan ng kanyang opisina sa White House.

8. May ibang artista na ikinokonekta ang ibon sa kamatayan. Minsan, bagong lipat sa isang bahay si Lucille Ball. Napansin niya na may pattern ng ibon sa wallpaper ng salas. Pinagsisira niya ang wallpaper at pinalitan na lang ng iba.

9. Jennifer Aniston: Ang unang inihahakbang niya pagpasok sa eroplano ay kanang paa for good luck.

PAMAHIIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with