7 bagay na nagpapahiwatig ng pagkatao
Handwriting
Maliliit ang handwriting ng mahiyain, metikuloso at masipag mag-aral. Samantalang outgoing naman at mahilig magpapansin kung malalaki ang kanyang handwriting.
Kulay ng damit
Ang madalas na kulay ng damit na lagi mong isinusuot, base sa pag-aaral ng mga psychologist ay nagsaad ng iyong pagkatao. Ang mahilig sa black ay sensitive, artistic at attentive sa details. Aktibo at masayahin ang mahilig magsuot ng red. Ang mahilig sa green ay malambing at loyal. Logical at organisado ang mahilig magputing damit. Sensitive at mapagbigay ang mahilig sa blue.
Nail Biting
Ang taong nakaugaliang kagatin ang kanyang kuko ay perfectionist, laging ninenerbiyos or tense.
Sapatos
Ayon sa pag-aaral ng psychologists mula sa University of Kansas, na mahuhulaan mo nang 90 percent accuracy ang income, political affiliation, gender at edad ng isang tao base sa suot niyang sapatos.
Mata
Ang mata ay salamin ng kaluluwa. Ang taong may matang kulay blue ay mahirap makasundo at kadalasang nagiging lasenggo. Ang taong hindi makatingin nang diretso sa kausap at kung saan-saan ibinabaling ang tingin ay walang self-control at mahina ang paninindigan sa buhay.
Punctuality
Ang taong laging dumarating nang “late” sa anumang appointment ay walang respeto sa oras ng ibang tao, at magulo ang isip.
Pakikipagkamay
Ang strong handshake ay nagpapakita ng tiwala sa sarili at hindi mapagkunwari. Ang weak handshake (kaunting kamay lang ang nakadikit sa kamay ng ka-handshake) ay nagpapakita ng mahinang loob dahil kulang ang tiwala sa sarili.
- Latest