^

Punto Mo

Crypto scam trafficking sa NAIA

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NAHARANG ng BI ang apat pang biktima na nagtangkang umalis patungong Singapore.

Tinangka ng apat na umalis sa flight ng Jetstar Airlines papuntang Singapore.

Nakatanggap ng intelligence information sa National Bureau of Investigation at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) NAIA Task Force Against Trafficking tungkol sa pag-alis ng mga biktima na sinasabing talagang patungo sa Cambodia upang magtrabaho sa mga offshore gaming operations.

Nagawang ma-intercept ang kanilang pagtatangka at pigilan silang mabiktima sa ibang bansa.

Ang apat ay sinamahan ng isang babaing recruiter na naglalakbay kasama ang kanyang apat na taong gulang na anak.

Sinabi ng mga biktima na sila ay mga empleyado ng isang manpower agency, ngunit mara­ming hindi tugmang pahayag.

Sa huli ay inamin nila na nagbayad sila ng tig-P10,000 sa kanilang recruiter bilang paunang bayad sa kanilang biyahe.

Inulat ni BI Commissioner Norman Tansingco ang kanyang mga babala laban sa mga alok na trabaho ng mga illegal recruiter.

“Ang mga recruiter na ito ay tuso sa kanilang mga pakana, sa pamamagitan ng paggamit ng mga pamilyang may mga anak bilang mga courier,” sabi ni Tansingco.

Nakita natin kung paano pinagsamantalahan ang mga biktima at kahit na pisikal na inabuso sa ibang bansa. Ang mga naghahangad na OFW ay hindi dapat tumanggap ng mga alok na kanilang natatanggap sa pamamagitan ng social media.

Dapat silang palaging makakuha ng trabaho sa ibang bansa sa pamamagitan ng Department of Migrant Workers.

Ang mga biktima at ang kanilang recruiter ay pawang tinurn-over sa IACAT para sa karagdagang imbestigasyon.

vuukle comment

NAIA

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with