Wakas ng online sabong, tanaw na! — General Lee
NAGPUPULONG na ang Philippine National Police, National Bureau of Investigation at ilang ahensiya ng gobyerno para wakasan na ang salot na online sabong. Inamin ni CIDG director Maj. Gen. Ronald Lee na masalimuot ang problema na dala ng online sabong kaya magtutulung-tulong ang lahat ng ahensiya ng gobyerno para tuldukan na ang masamang bisyo na ito. Kaya goodbye na lang sa bilyones na kikitain ng mga gambling lords sa sugal na naging mitsa sa pagdukot sa 34 missing sabungeros.
“Mahirap buwagin ang online sabong dahil hindi lang law-enforcement agency ang kikilos laban dito kundi mayroon pang ibang concerns kaya’t maraming ahensiya ng gobyerno ang tututok laban dito,” ani Lee.
Kamakailan lang, iniutos ni President Bongbong Marcos ang patuloy na pagsuspende sa online sabong habang lumilinaw na ang kaso ng missing sabungeros dahil dalawang kaso na ang naisampa ng Department of Justice laban sa mga suspects, na karamihan ay pulis at security officers ng sabungan. Eh di wow! Hehehe!
Seryoso talaga si BBM na gibain na itong online sabong kaya’ inutusan n’ya si Interior Sec. Benhur Abalos na pangunahan ang pagdistrungka nito. Dipugaaaaa!
Ayon kay Lee, mahirap buwagin ang online sabong dahil sa mahihirapang ma-block ang aabot sa 50 websites na ginagamit ng mga gambling lords. Kaya dito papasok ang Anti-Cybercrime Group ng PNP at makikipagtulungan sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC).
Wala pa kasing bansa na kayang kontrolin ang cyber space. Kapag may nahuli naman ang CIDG sa aktong naglalaro ng online sabong, sinabi ni Lee na at the most na kanilang mai-file na kaso ay illegal gambling, na kararampot lang ang piyansa nito.
Sa sitwasyon na ito, pagtatawanan lang sila ng mga gamblng lords, ani Lee, kaya’t dito na papasok ang DOJ para mag-draft na kaukulang batas na may sapat na kaparusahan laban sa mga operators ng online sabong para kasama sila ng mga mananaya na mabubulok sa karsel.
Ang panukalang batas ay ipapasa sa Kongreso at i-certify ito ni BBM as urgent para mapirmahan kaagad at magamit ng PNP at NBI sa pagtugis ng mga operators ng online sabong. Araguuyyyyy! Hak hak hak!
Dapat suportahan ng mga mambabatas ang batas na tito laban sa online sbaong dahil ang mga constituents din nila ang apektado. Dipugaaaaa!
Ayon kay Lee, hindi lang PNP at NBI ang may malaking papel para sugpuin ang operasyon ng online sabong kundi maging ang PAGCOR at Bureau of Internal Revenue. Inamin din ni Lee na hindi naman lahat ng online sabong ay huminto matapos iutos ni BBM ang patuloy na pagsuspendi sa palarong ito.
Kung sabagay, sinabi ng mga kosa ko na isang alyas Teves, ang gumagamit ng lumang video para ituloy ang kanyang online sabong na ang mga kliyente ay nasa abroad. Tsk tsk tsk! Pag-uusapan din nila, sa tulong ng NTC at DICT, kung paano kumpiskahin ang mga camera sa sabungan na nagrerekord ng mga sultada para i-livestream sa social media. Abangan!
- Latest