100 pamahiin ng Americans para humaba ang buhay (Part 2)
21. Kung sa isang pagkakataon ay kailanganin mong lisanin ang iyong bahay at pansamantalang tumira sa ibang bahay, palipasin muna ang isang taon bago ka bumalik sa dating tirahan.
22. Kung talagang type mo na maglagay ng fresh flowers sa iyong bedroom, idispley lang ito sa umaga at ilabas pagsapit ng gabi.
23. Huwag manghiram ng bagong damit kung saan ikaw ang mauunang magsuot kaysa may-ari.
24. Hindi maganda na ikaw ang tatahi ng sariling wedding gown.
25. Dapat ay ibang tao ang magluluto ng kakainin sa araw ng iyong birthday.
26. Huwag matulog na nakaturo ang ulo sa paanan ng bed (side na walang headboard).
27. Huwag kumanta habang nakahiga sa bed.
28. Huwag magbilang ng bituin sa kalangitan.
29. Hindi magandang manalamin habang nasa likod ng isang tao.
30. Iwasang magsuklay sa gabi.
31. Huwag mag-ahit sa gabi.
32. Huwag gamitin ang razor ng taong namatay na.
33. Huwag maglilibing sa Biyernes.
34. Kapag may kapamilya na nalagutan ng hininga sa inyong bahay, takpan ng tela ang lahat ng mirror.
35. Pagsabihan ang mga bata na huwag maglaro ng patay-patayan at libing-libingan.
36. Huwag isukat ang “mourning veil”. Isuot lang ito sa mismong araw ng libing. Nagsusuot ang mga Amerikana ng ganitong klaseng belo, thin black lace na itinatakip sa mukha.
37. Kapag ilalabas ang kabaong sa bahay, dapat mauunang ilabas ang bandang paa.
38. Huwag sumakay sa karo ng patay maliban lang kung ikaw ng drayber.
39. Huwag magbibilang ng mga sasakyang kasama sa funeral motorcade.
40. Iwasang magsuot ng bagong damit, lalo na ang sapatos sa lamay at libing. (Itutuloy)
- Latest