^

Punto Mo

Batang babae sa U.S., nakatanggap ng lisensiya na nagpapahintulot sa kanya na mag-alaga ng unicorn!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG liham ang nag-udyok sa animal care and control officials sa California na mag-issue sila ng lisensya para pahintulutan ang isang batang babae na magmay-ari ng isang unicorn!

Naging viral at kinatuwaan ng mga netizens ang Instagram post ng Los Angeles County Animal Care and Control kung saan ipinakita nila ang sulat kamay na liham na pinadala sa kanila ng isang batang nagnga­ngalang Madeline.

Makikita sa liham ni Madeline na humihingi ito ng pahintulot sa mga awtoridad na kung sakaling makahanap siya ng unicorn, nais niyang magkaroon ng lisensiya sa pag-aalaga nito.

Ang unicorn ay hindi totoong hayop at kathang isip lamang. Mapapanood lamang ito sa cartoons at mababasa sa fairytale children’s books.

Natuwa ang mga opisyal ng Los Angeles County Animal Care and Control sa liham kaya naisipan nila na tugunan ang paghingi ni Madeline ng lisensiya.

Bukod sa pag-issue ng lisensiya, pinadalhan din nila si Madeline ng stuffed toy na unicorn.

Hinangaan ng mga opisyal ng Los Angeles County Animal Care and Control si Madeline dahil sa batang edad nito ay alam na ang responsible pet ownership at alam na nito ang paghingi ng pahintulot sa mga awtoridad sa pagkakaroon ng kakaibang alagang hayop.

 

UNICORN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with