General Estomo, ‘may asim’ kontra kriminalidad!
NATUTUWA ang mga Pinoy sa Metro Manila bunga sa nakikita na nila ang kanilang kapulisan saang sulok man ng Kamaynilaan. Kapag “ber” months kasi mga kosa, naging kinaugalian na ng mga kriminal na mangharabas sa kalye habang ang mga Pinoy ay busy sa pamimili ng regalong Pamasko sa kanilang pamilya, kamag-anak at mga mahal sa buhay.
Bunga nito, nag-download si NCRPO chief Brig. Gen. Jonnel “Esto” Estomo ng kapulisan sa Metro Manila para pangalagaan ang seguridad, hindi lang ng mga shoppers, kundi maging ng mga turista na naglilibot sa tourist spots at honky-tonk centers para magliwaliw. Hindi lang ‘yan, Pinakawalan din ni Estomo ang 72 motorcycle cops para pangalagaan ang seguridad ng mga workers, laborers, commuters at higit sa lahat ng mga call center agents sa gabi.
Kumpleto rekado na itong deployment ng pulisya sa Metro Manila at magdalawang isip na ang mga kriminal na mangharabas bunga sa may mga pulis na sa kalye na mahihingan ng tulong ng mga Pinoy, di ba mga kosa? Mismooooo! “Congratulations Gen. Estomo Sir for a job well done. We are now seeing our policemen in the streets kaya kaming may work ay matatakbuhan na para humingi ng tulong,” ‘yan ang mensahe ng isang worker sa Dipuga. Hak hak hak! May asim talaga si Estomo, ‘no Sen. Bato de la Rosa Sir? Dipugaaaaa!
Ang 72 motorcycle cops na naka-assign sa Tactical Motorized Riders Unit (TMRU) ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) ay nagsimulang mag-ikot sa Metro Manila ng nakaraang Martes. Hehehe! Kaya sa mga kriminal d’yan, kuwidaw kayong makipagsagupa dito sa RMFB dahil giyera ang training ng mga ‘yan. Kaya mag-isip kayo ng malalim bago bumira mga kosa kong kriminal dahil hindi kayo patatawarin nitong TMRU ni Estomo. Mismooooo!
Kung sabagay, lahat na eskuwelahan ay may naka-bantay ng pulis at maging sa busy na kalsada may naka-patrulya din. Kung sa gabi naman, itong TMRU ang mag-iikot sa mga crime prone areas ng Metro Manila, ani Estomo. ”Kung kailan tulog ang mga tao, ang mga pulis ay gising upang kayo ay bantayan,” ani Estomo. Nitong Biyernes, nag-download pa ng 240 pulis ang Camp Crame para madagdagan ang foot, mobile, at motorcycle patrol sa Metro Manila. Eh di wow! Hak hak hak! Upak lang nang upak itong si Estomo ‘no Sen. de la Rosa Sir? Dipugaaaaa!
Siyempre, para makamtan ang kanilang primary goal na matahimik na Metro Manila sa panahon ng Kapaskuhan, inutusan ni Estomo ang kanyang limang district directors na makipag-partner sa mga LGUs at komunidad nang sa gayon ay makilala kaagad at maaresto ang mga kriminal bago sila makapambiktima.
Sa ngayon, ramdam na ng Metro Manilans ang kanilang kapulisan at ipinakita lang ni Estomo na ang kaligtasan ng mga Pinoy ang nasa kanyang isipan. Mismooooo! Walang kokontra ha mga kosa? Hak hak hak! Malapit nang makamtan ni Estomo ang goal niya na “police officers are Seen, Appreciated, and Felt through the delivery of Extraordinary public service” o SAFE, di ba mga kosa? Abangan!
- Latest