Para-paraan para mabawasan ang timbang (Last Part)
• Kapag mamimili, iwasang bumili ng processed foods (de lata, timpladong karne, etc). Sa halip ay bagong katay na karne, fresh fruits and vegetables ang dapat bilhin. Matutukso lang kayong kumain ng processed foods kung may stock kayo nito sa inyong refrigerator.
• Gumamit ng suka sa pagkain, kumain ng atsara or uminom ng lemon juice/calamansi dahil ito ay totoong nakapagpapayat. Ayon kay Wayne Andersen, M.D., who specializes in weight management and serves as the medical director for Take Shape for Life wellness program in Annapolis, Maryland, ang nabanggit na “maasim” ay nagpapabagal ng pagtunaw ng carbohydrates kaya matagal kang makakadama ng gutom. Kung lagi kang busog, ang tendency mo ay huwag munang kumain o kaunti lang ang kainin.
• May kaugnayan ang mabilis na pagtaba sa pagtaas ng blood sugar level. Kung magluluto ng pasta, dapat ito ay “al dente”, yun bang half cook lang. Kapag al dente ang pagkakaluto sa pasta, oatmeal (pinakukuluan at hindi instant), iba pang starchy products, nagiging mabagal ang pagtaas ng blood sugar level.
• Magbudbod ng isang kurot na asin sa iyong dessert. Lalong tatamis ang panlasa mo kaya kahit kaunti pa lang ang iyong nakakain, ang feeling mo ay satisfied ka na kaya titigilan mo na ang pagkain.
• Uminom ng tubig 30 minuto bago kumain ng meal. Sa ganitong paraan, mababawasan ng 13 percent ang amount ng iyong kinakain dahil nabusog ka na ng tubig.
• Kapag bibili ng pagkaing nakabalot, laging smallest size ang piliin o ang size na pambata.
• Sepilyuhin lagi ang dila. Kapag malinis ang dila, nagiging sensitive ang panlasa lalo na sa maalat kaya mababawasan ang gana mo sa pagkain ng fries, chips at iba pang junk foods.
- Latest