8-anyos na batang lalaki sa Ohio, itinakas ang kotse ng mga magulang matapos matutong mag-drive sa Youtube
SA panahon ngayon, puwede nang matutuhan ang maraming bagay sa pamamagitan ng internet tulad ng pagluluto, pagkukumpuni, pagsasayaw, at pati na rin ang pagmamaneho.
Kaya may isang 8-anyos na batang lalaki sa East Palestine, Ohio ang ginamit ang kanyang natutuhan sa pagda-drive mula sa Youtube para dalhin ang kanyang nakababatang kapatid na babae sa isang fastfood chain para umorder ng hamburger!
Ayon sa Fox 8 news agency, nakapag-drive ang batang lalaki ng mahigit 1-milya na dumaan sa apat na intersections at isang railroad crossing.
Ayon sa isang witness, tumalima sa traffic rules at sumunod sa stoplight ang bata. Saka lamang nalaman na walang kasamang magulang ang magkapatid nang may makakita sa mga ito na kakilala na kumakain din ng mga sandaling iyon sa restaurant.
Napag-alaman na matagal nang nanonood ng driving tutorials sa Youtube ang batang lalaki kaya ligtas niyang naipagmaneho ang kanyang kapatid at hindi niya nagasgasan ang sasakyan ng kanilang magulang.
- Latest