^

Punto Mo

Egyptian archaeologist, naging milyonaryo dahil sa mga scorpions!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ILANG taon na ang nakalilipas, isang Egyptian Archaeologist ang nagpasya na iwanan ang kanyang career upang manghuli ng iba’t ibang uri ng mga alakdan upang pag-aralan ang mga kamandag nito para sa medisina at hindi siya nagkamali sa pasya niyang ito.

Dahil sa ngayon, sa edad na 25 ay nagmamay-ari na si Mohamed Hamdy Boshta ng isang multi-million company, ang Cairo Venom Company – isang kumpanya na nag-aalaga ng mahigit 80,000 na uri ng alakdan at ilang ahas upang kuhanan ang mga ito ng kanilang kamandag.

Gamit ang colored UV light, na-exposed ang mga alak­dan sa mahinang kuryente na siyang nagiging dahilan upang maglabas ang mga ito ng kamandag. Isang gramo ng kamandag ng alakdan ay may kakayahan na makagawa ng 20,000 hanggang 50,000 dosage ng antivenom. Ang antivenom ay ginagamit ng mga ospital bilang panggamot sa mga nakagat ng ahas at iba pang makamandag na hayop at insekto.

Sa kasalukuyan, ang isang gramo ng scorpion venom ay naghahalaga ng $10,000 at ine-export ito ni Boshta sa malalaking pharmaceuticals sa Amerika at Europa.

 

EGYPTIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with