Ang laboratory ni Thomas Edison
ISANG gabi ng December 1914, isang malaking sunog ang tumupok sa laboratory ni Thomas Edison. Naroon sa laboratoryong iyon ang mga dokumento ng halos lahat ng experiment na ginawa ni Edison.
Kitang-kita ng anak na binata ni Edison kung paano nilamon ng apoy ang laboratoryong ipinatayo ng kanyang ama noong bata pa siya. Lalo siyang nasaktan nang makita niya ang malungkot na mukha ng ama habang pinapanood na unti-unting naaabo ang laboratoryo.
Matanda na ang kanyang ama. Parang napakahirap naman na magsisimula ulit ito sa zero dahil nasunog ang lahat ng mga ginawa nitong projects, experiments, documents at marami pang mahahalagang bagay.
Kinabukasan, sama-sama ang mag-anak na tumayo sa harapan ng nasunog na laboratoryo. Nagwika si Edison sa asawa at mga anak: Huwag tayong malungkot sa nangyari. Isipin na lang natin ay ganito: Mabuti at nasunog na ang lahat ng mali nating ginawa. Salamat po sa Diyos at makakapagsimula ulit tayo ng mga panibagong experiment at projects.
“Keep your face always toward the sunshine - and shadows will fall behind you.”
— Walt Whitman
- Latest