^

Punto Mo

Lalaki sa India, nagpapanggap na piloto upang makalibre ng sakay sa eroplano

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa India ang arestado matapos magpanggap na piloto upang makalibre ng sakay sa eroplano.

Ayon sa ulat, hinuli ang taga-Delhi na si Rajan Mahbubani, 48, matapos niyang tangkaing sumakay sa isang AirAsia flight sa Indira Ghandi International Airport.

Suot niya ang uniporme ng piloto ng Lufthansa, ang flag carrier ng Germany at mayroon pa siyang ID.

Nabulilyaso lang ang kanyang plano nang tawagan ng mga tauhan ng AirAsia ang Lufthansa upang makumpirma ang kanyang pagkakakilanlan.

Nang mahuli, umamin naman si Mahbubani sa kan­yang modus at sinabi pa niya na ilang beses na niya itong nagawa at iba’t ibang benepisyo na ang kanyang natatanggap dahil sa kanyang pagpapanggap bilang piloto.

Kung hindi nakakalibre ng sakay, mabilis daw siyang nakakalampas sa security kung minsan o kaya’y na-upgrade ang kanyang upuan nang libre.

EROPLANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with