^

Punto Mo

Paninigarilyo at pag-inom ng alak dapat nang ipagbawal sa bansa

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

SINERTIPIKAHAN na ni Presidente Duterte na “urgent” ang panukalang-batas na nagpapataw ng mataas na buwis sa alak, sigarilyo at e-cigarettes. Kilala ito sa tawag na “sin taxes” sapagkat ang pinapatawan ng mataas na buwis ay mga produktong nakasisira sa kalusugan. Sa ganitong pagkakataon, ang buwis ay ginagamit hindi lamang upang magpaakyat ng pondo, kundi para ma-regulate ang isang bagay na may masamang epekto sa publiko.

Tinatayang kapag naipatupad na ang batas, makakalikom nang mula P40 bilyon hanggang P50 bilyong halaga na magagamit para epektibong maipatupad ang Universal Health Care Act at mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan.

Ayon sa tala ng World Health Organization, 10 Pilipino ang namamatay kada oras dahil sa mga sakit na dulot ng paninigarilyo, tulad ng lung cancer, heart disease, stroke, at aortic aneurysm. Akala ng iba ay ligtas gamitin ang e-cigarettes o tinatawag na “vapes”, pero ang totoo ay mas delikado ito. Halimbawa, sa halip na nicotine, maaaring ang ilagay dito’y shabu.  Lumalabas sa mga pag-aaral, na isa sa bawat limang gumagamit ng vapes ay nasa edad 10 hanggang 19.  Dahil sa masamang epekto sa kalusugan, ibinawal na ang e-cigarettes sa 33 bansa, kabilang na ang US, Australia at China.

Mahilig sa pag-inom ng alak ang mga Pilipino. Ang totoo, sa Asya, tayo ang nangunguna sa pag-inom ng alak. Bahagi na ito ng ating kultura. Walang pagsasaya sa Pilipinas na walang inuman. Ngunit napatunayan na ang pag-inom ng alak ay nakasisira sa kalusugan at sa mismong pagkatao ng tao. Kabilang sa mga sakit na bunga ng pag-inom ng alak ay sakit sa atay, pancreatitis, cancer, ulcer at iba pang gastro-intestinal problems, brain damage at osteoporosis. Sinisira rin ng alak ang concentration, judgement, mood at memorya ng isang manginginom.

Sa laki ng pinsalang nagagawa sa kalusugan at pagkatao ng tao, bakit hindi lubusang ipagbawal ang paninigarilyo at pag-inom ng alak dito sa ating bansa?  Sa ngayon, lubusan nang ipinagbabawal ang sigarilyo at paninigarilyo sa Bhutan, Colombia, Uruguay, at Malaysia. Mahigpit namang ipinagbabawal ang alak at pag-inom ng alak sa Brunei, Libya, Afghanistan at Bangladesh. Kung ang ganitong pagbabawal ay nagawa ng mga bansang ito na hindi naman mga Kristiyano, bakit hindi ito magagawa ng Pilipinas na isang Kristiyanong bansa?

Hindi sapat na patawan lamang ng mataas na buwis ang sigarilyo at alak upang matigil ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. Para sa kinabukasan ng ating mga kabataan, mas mabuting ituring ang paninigarilyo at pag-inom ng alak na isang kasalanan na kung gagawin ay may karampatang parusa.

 Sa mga Cristiano ay may spiritual dimension ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. Wika sa 1 Corinto 6:19, “Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob sa inyo ng Diyos? Hindi ninyo pag-aari ang inyong katawan.” Ang ating katawan ay hindi sa atin.  Ito’y sa Diyos at templo ng Espiritu Santo.  Kailangang panatilihin itong malinis. Maaari itong dumihan at sirain ng kasalanan. Ang paninigarilyo at pag-inom ng alak ay isang uri ng kasalanan na sumisira sa ating katawan.

 Tama, may mga negosyo at trabahador na maapektuhan kapag lubusang ipinagbawal ang paninigarilyo at pag-inom ng alak dito sa ating bansa. May magsasakripisyo, ngunit ang kapalit naman nito’y henerasyon ng mga Pilipinong may maayos na pag-iisip at ligtas sa mga nakamamatay na sakit.

 

 

 

 

vuukle comment

PANINIGARILYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with