^

Punto Mo

Napulot na wallet na may pera, ibabalik mo ba sa may-ari?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

KUNG makakapulot ka ng nawawalang pitaka na may lamang maraming pera, ibabalik mo ba ito sa may-ari? O aangkinin mo na lang at gagastahin para sa sarili mong pa-ngangailangan?

Kung marami man na kaso ng mga tao na isinoli ang pitakang napulot nila sa may-ari nito o inirereport sa mga awtoridad para maibalik sa nagmamay-ari nito, meron din namang inaangkin na lang nila ito at hindi na nag-aksaya ng panahong tukuyin at hanapin ang may-ari ng nawawalang pitaka. Kadalasan, may mga nawalan ng pitaka na nakikiusap sa mga nakapulot na sa kanila na lang ang pera pero ibalik na lang ang mga laman nitong mahahalagang papeles, lisensiya o identification card o visa card o ATM.

Meron namang iba na, kung hindi pa nabuking lalo pa kung nakita sila sa CCTV camera, hindi pa aamin na sila ang nakapulot sa nawalang pitaka. Kung maisoli man, nabawasan na ang lamang pera nito.

Kaya hindi kataka-taka na napapabalita at napaparangalan ang ibang tao na, sa kabila ng kahirapan o kakapusan o matinding pangangailangan sa buhay, pinangingibabawan nila ang tukso sa pamamagitan ng pagsosoli sa may-ari ng napupulot nilang pitaka saan mang lugar tulad ng airport, pampublikong sasakyan, parke, restawran, bangketa, shopping mall at iba pa. Hindi sila natakam na sarilinin at angkinin kahit pa gaano karami ang lamang pera ng napulot nilang nawalang pitaka.

Sinasabi umano sa klasikong teoryang pang-ekonomiya na mas malakas ang tuksong angkinin ng isang tao ang nilalamang pera ng napulot niyang pitaka. Pero, sa pag-aaral na nalathala sa Science kamakailan, nangingibabaw ang malakas na pagtutol ng isang tao na angkinin ang hind kanya. May 355 lunsod sa 40 bansa ang sinaklaw ng pag-aaral na isinagawa ng mga researcher ng University of Michigan, University of Zurich at University of Utah.

Ipinahiwatig sa pag-aaral na umabot sa 40 porsiyento ang bilang ng mga tao na inirereport ang napulot nilang nawawalang pitaka. Mas malaki ang bilang ng mga nagsosoli ng pitaka na umaabot sa 51 porsiyento kung may laman itong pera. Ayon sa mga researcher, ipinahihiwatig ng ebidensiya na mas nag-aalala ang maraming tao sa kapakanan ng kanilang kapwa. Ipinakikita na mas marami ang nais na ibalik ang napupulot nilang pitaka. Kumbaga, nangingibabaw ang sigaw ng konsensiya.

Anumang reaksiyon ay i-email sa [email protected]

vuukle comment

WALLET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with