^

Punto Mo

Utol

Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Wakas)

ARAW ng kasal ni Gerald at Gina. Sa isang malapit na hotel naka-check-in sina Gerald at Xander. Alas kuwatro pa lamang ay gising na ang dalawa at nagha-handa. Halatang excited si Gerald.

“Mukhang hindi ka na nakatulog, Utol?” tanong ni Xander.

“Oo, Xander. Talagang ganito yata kapag ikakasal. Kahit anong gawin ko, hindi ako makatulog.’’

“Naramdaman ko nga  na madalas kang lumabas sa room mo.’’

“Naramdaman mo pala, ha-ha-ha!”

“Kasi’y magkatabi lang ang room natin kaya dinig ko ang pagbubukas ng pinto.’’

“Pero alam mo Xander, masaya ako dahil bago ako nag-asawa e natupad ko lahat ang pangako kay Papa. Naha­nap kita at nailagay sa ayos ang lahat. Naisaayos ko ang bawat parte ng mga ari-arian, ayon sa last will ni Papa. Lahat nang sinabi ni Papa bago siya yumao e natupad ko nang walang labis at walang kulang.’’

“Kaya naman uulitin ko uli ang pasasalamat sa iyo Utol. Napakabuti mong kapa­tid. Kung hindi dahil sa ginawa mong pagsasakripisyo para hanapin ako, baka hindi ko narating ang ganitong kalagayan. Salamat nang marami. Kaya naman sa araw na ito ng kasal mo, lubus-lubos ang suporta ko sa’yo. At pangako ko sa’yo Utol, hindi kita iiwan. Kahit saan, kahit kailan, nasa tabi mo ako at aalalay. Kahit anong mangyari, kaagapay mo ako.’’

“Salamat Xander. Teka mabuti pa at magbihis na tayo. Gusto ko maaga sa sim­bahan.’’

Nagbihis na sila.

Nang matapos magbihis, kitang-kita ang kanilang kakisigan.

“Okey na ba ang porma ko Xander?’’

“Okey na okey Utol!’’

Magkasabay silang mag­kapatid na nagtungo sa simbahan.

UTOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with