^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag ipilit ang ROTC

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag ipilit ang ROTC

MARAMING tumututol sa mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) at unang-una na rito ang mga estudyante. Ilan sa mga dahilan ng pagtutol sa ROTC ay dagdag pabigat lamang ito sa kanilang pag-aaral at dagdag gastos para sa kanilang mga magulang. Dahilan din nang pagtutol sa ROTC ang karahasan at ang talamak na korapsiyon. Panghuling dahilan ay taliwas ito o laban sa kanilang relihiyon.

Pero sabi ng mga mambabatas, napapanahon daw para ibalik ang ROTC sa college students. Mahalaga lalo na ngayong may tensiyon sa West Philippine Sea. Kailangan din daw ito para maihanda ang kabataan sa pagharap sa mga kalamidad, disaster at ganundin para sa pangangalaga sa kapaligiran at climate change.

Kamakailan, inatasan ni President Ferdinand Marcos Jr. ang Senado na ipasa ang Senate Bill 2034 para maging mandatory sa mga estudyante sa kolehiyo at sa vocational institutions ang ROTC.

Sabi ni Senate Majority Floor Leader Francis Tolentino sa isang radio interview na nagbigay na raw ng signal si Marcos Jr. para madaliin ang pagpapasa nito at maisama sa curriculum ng mga estudyante sa kolehiyo.

Ang may-akda ng mandatory ROTC ay si Sen. Ronald dela Rosa. Sinabi ni Dela Rosa na napapanahon ang pagbabalik ng ROTC lalo at may nangyayaring tension sa West Philippine Sea kung saan agresibo ang China sa pag-angkin sa teritoryo ng bansa. Marami rin aniyang beses na binomba ng tubig ng China ang navy at coast guard at pati ang mga mangingisdang Pinoy. Una nang sinabi ni Dela Rosa na walang magaganap na hazing, pang-aabuso at korapsiyon sa ROTC. Nakasaad din sa panukala ni Dela Rosa, hindi makaka-graduate sa kolehiyo at technical vocational courses ang mga estudyanteng lalaki at babae kapag hindi nag-ROTC.

Binuwag ang ROTC noong 2008 nang isabatas ang NSTP. Naging voluntary ang ROTC. Isa sa mga dahilan kaya binuwag ang ROTC ay dahil sa pagpatay kay UST cadet officer Mark Wilson Chua noong 2001. Mga kapwa cadet officer ang pumatay kay Chua nang ibulgar ang corruption sa UST Corps of Cadet.

Hindi na kailangan ang ROTC dahil mayroon nang National Service Training Program (NSTP) na ginagawa ng mga estudyante sa kolehiyo. Maaring maulit ang karahasan at korapsiyon. Kahit sinabi ni Dela Rosa na babantayan ang ROTC, hindi ito garantiya. Huwag nang ipilit ang mandatory ROTC upang maiwasan ang mga hindi magandang mangyayari sa mga kabataan.

ROTC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with