^

Punto Mo

102-anyos na lola, pinakamatandang skydiver sa mundo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae mula Adelaide, New Zealand ang naging pinakamatandang skydiver sa buong mundo matapos siyang tumalon mula sa isang eroplano sa edad na 102.

Pasok ang pangalan ni Irene O’Shea sa record books nito lamang Linggo, na siya ring ikalawang anibersaryo ng kanyang pag-skydive upang ipagdiwang ang kanyang ika-100 kaarawan.

Binati naman ng kompanyang SA Skydiving ang great-grandmother para sa kanyang nakamit matapos siyang tumalon kasama ang kanyang instructor na si Jed Smith.

‘‘An incredible woman, achieving incredible things,” ayon sa skydiving company.

Ikinuwento naman ng manugang ni O’Shea na si Mike FitzHenry na wala raw makapigil sa kanyang biyenan mula sa pag-skydive.

“No, not with Irene O’Shea, you don’t try and talk her out of anything,” Mr FitzHenry told radio FIVEaa.

Sadyang susunod ka na lang daw sa gusto niyang mangyari, dagdag pa ni FitzHenry.

Layunin rin ng pag-skydive ni O’Shea’s ang makakuha ng donasyon para sa pag-aaral sa motor neurone disease.

Sa ngayon ay nasa nakakalikom na ng $255 mula sa $10,000 goal ang ginawang pagtalon ni O’Shea.

vuukle comment

IRENE O’SHEA

SKYDIVING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with