^

Punto Mo

Pinakamalaking cinnamon roll sa mundo, higit kalahating tonelada ang bigat

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KAMAKAILAN, naitala sa Southern Oregon ang bagong world record para sa pinakamalaking cinnamon roll sa mundo.

Ito’y matapos mag-bake ang Wolferman’s Gourmet Baked Goods ng isang tig-1,149.7 pounds na cinnamon roll. Halos doble ito ng bigat ng dating world record na nasa 609 pounds lamang.

Inabot ng 11 oras ang pag-bake sa cinnamon roll, na pinagtulung-tulungang gawin ng 100 katao.

Nakaabang naman ang Guinness World Record adjudicator na si Kaitlin Vesper habang ginagawa ang cinnamon roll.

Nang maggawa na ang dambuhalang tinapay at matapos makumpirma ang timbang na ito ay inialok na ito ng bakery sa kanilang mga mamimili.

Patakaran kasi ng Guinness na walang masayang na pagkain tuwing may mga world record attempt. Kaya naman kailangang ipamigay o ibenta ang pagkaing ginawa para sa pagtatala ng world record.

Pinili ng Wolferman’s na ibenta ang cinnamon roll sa halagang $2 kada piraso. Plano naman nilang ibigay sa chari­ty ang lahat ng kanilang kikitain.

vuukle comment

CINNAMON ROLL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with