^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag makipag-areglo sa Mighty Corp.

Pang-masa

SABI ni President Rodrigo Duterte, magbayad ng P3 bilyon ang kompanya ng sigarilyong Mighty Corporation at kalilimutan na niya ang tax evasion case nito. Iyon lang at quits na. Ang makukuha raw niyang  P3 bilyon ay ipagkakaloob naman niya sa tatlong hospital sa bansa – sa Sulu, Basilan at sa Maynila. Sabi niya sa may-ari ng Mighty na si Alex Wongchuking, doblehin ang ibabayad at tapos ang problema. Ayon sa report, handa raw magbayad ang Mighty ng P1.5 billion para sa tax case.

Nahaharap pa sa maraming kaso ang Mighty makaraang salakayin ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga bodega nito sa Gen. Santos City at San Simon, Pampanga. Napag-alaman na ang mga sigarilyo hindi pa bayad ang buwis na nagkakahalaga ng P1.5 billion. Pero ang matinding natuklasan ng BOC at BIR ay ang mga pekeng tax stamps sa mga sigaril­yo na nakumpiska sa Ports ng Cebu at Tacloban noong Martes. Tinatayang P6 milyong buwis ang natalo sa gobyerno dahil sa mga pekeng stamps. Noong nakaraang buwan, nakakumpiska rin ang BIR at BOC ng Mighty cigarettes sa Cebu na may mga pekeng stamps na ikinalugi ng pamahalaan sa halagang P2.49 million.

Maraming kasalanan ang Mighty Corporation kaya nararapat lamang na ipalasap ang parusa ayon sa batas. Hindi puwede ang areglo rito. Masamang halimbawa kapag nakipag-areglo. Maaaring gayahin ito ng iba pang kompanya ang ginawa ng Mighty na pandaraya at makikipag-areglo lang at lusot na. Hindi dapat idaan sa usapang aregluhan ang ganitong usapin. Talo ang gobyerno kung P3 bilyon lang iluluwa ng Mighty gaya ng proposal ni Duterte.

Kasuhan ng tax evasion at falsification ang Mighty para malaman nila ang bigat ng ginawa. Hindi sila dapat makalusot.

MIGHTY CORPORATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with