^

Punto Mo

Sir Juan (80)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SO may kasunduan kayo ni Nectar na kapag nakunan mo uli ng picture si Mahinhin ay mayroon nang mangyayari sa inyo,’’ sabi ni Sir Juan kay Gringo.

“Tamah ka Sir Johnny, hik. Alam mo na agad ang istoryah namin, hik!’’

Hindi na nagsalita si Sir Juan at baka makahalata na si Gringo. Dapat hinay-hinay lang siya sa pagsasalita. Hindi siya dapat pagdudahan ni Gringo.

“Ang hindi koh lang alam e kung bakit gustung-gustoh ni Nectar na maipakitah sa may-ari raw ng boarding house ang mga pictures ni Mahinhin, hik. Anoh kayang dahilan ni Nectar, hik.’’

Hindi nagsasalita si Sir Juan. Saka na lang siya magko-comment.

Hahayaan na lang niyang magsalita nang magsalita si Gringo.

‘‘Peroh kahit na sinoh pang nag-uutos sa kanyah basta akoh susundin ko ang utos niya. Gustoh koh kasi si Nectar. Kahit ilang simbahan pakakasalan ko siyah, hik!’’

Napangiti si Sir Juan. Ibang klase rin si Gringo. Kahit ano ay susundin para lamang makuha ang ninanais kay Nectar. Talagang malakas ang tama kay Nectar. Walang kamalay-malay si Gringo na ang kaharap niyang tao ay pinagpapantasyahan naman ni Nectar. Muntik na ngang may mangyari sa kanila ni Nectar.

Hanggang mamatay ang ilaw.

“Magsisimulah na ang happy hour, Sir Johnny hik!’’

‘‘Beer pa Gringo?’’

“Ayaw koh nah, Sir Johnny, hiks! Full na akoh. Baka hindi ko na makunan ng pictures si Mahinhin, hik. Baka makatulog na akoh ritoh, hik!’’

“Okey Sige. Ituro mo nga sa akin si Mahinhin. Tingnan ko kung maganda siya.’’

‘‘Magandah Sir. Makikita mo kung gaano kakapal ang pugad ng The Raven, hik! Hik!’’

‘‘Maitim ba ang pugad?’’

‘‘Super itim Sir, Hik! Hahawiin muna bago makita ang nasa ilalim, hik!’’

Nagtawa si Sir Juan.

Maya-maya nabuhay ang ilaw. Hanggang sa makita nila ang babaing nasa stage na naka-bra at panty lang. Nagpalit-palit na ang ilaw. May umilanglang na music. Dumagundong ang paligid.

“’Yan si Mahinhin, Sir Johnny, hik! Ang ganda di ba, hik!’’

Pinagmasdan ni Sir Juan ang babae na tinawag na Mahinhin. Ilang beses pinag­lipat-lipat ang tingin. Gusto niyang matiyak kung iyon nga si Mahinhin.

Hanggang sa matiyak niya na hindi si Mahinhin ang babae. Wala itong nunal sa balikat. Iyon ang palatandaan niya kay Mahinhin. Itim na itim na nunal sa balikat.

‘‘Kukunan koh na siyah, hik!’’

Dinukot ni Gringo ang cell phone sa bulsa.

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

GRINGO

HANGGANG

HIK

KAHIT

MAHINHIN

NECTAR

SIR

SIR JOHNNY

SIR JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with