^

Punto Mo

Ina… Anak

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

PARANG may humarang sa lalamunan ni Cynthia nang buksan niya ang isang lumang kahon ng sapatos na naglalaman ng mga abubot ng kanyang ina. Naroon lahat ang mga cards na ibinigay niya sa ina tuwing sasapit ang mga importanteng okasyon—pasko, birthday, Mother’s Day.

Nasa loob siya ng kuwarto ng ina dahil ipinag-iimpake niya ito ng kanyang mga damit. Sa araw na iyon niya ihahatid ang ina sa bahay ampunan ng matatanda.

Solong anak lang si Cynthia kaya nang naging Canadian citizen siya ay agad niyang ipenetisyon ang inang iniwan niyang nag-iisa sa Pilipinas. Dalawang beses nag-asawa si Cynthia habang nasa Canada. Ang una ay Pinoy na naging Canadian citizen lang kaya okey  dito na kasama ang kanyang ina sa bahay. Pero hindi nagtagal at nagdiborsiyo sila. Nag-asawang muli si Cynthia at Italyano ang napangasawa. Suplado ang Italyano at ayaw niyang sa kanila nakatira ang biyenan lalo na at may pagkakataong nagkakaproblema sila sa komunikasyon. Grade two lang ang natapos ng ina ni Cynthia at hindi ito marunong mag-Ingles, e, di lalo pa ang mag-Italian.  Isang paraan ang naisip ni Cynthia upang matahimik lang ang pagsasama nila ng asawang Italyano—ilagay sa bahay ampunan ng matatanda ang kanyang ina.

Ang ina ni Cynthia ay nasa salas at hinihintay na lang ang kanilang pag-alis. Alam na nito kung saan siya dadalhin ng anak at nauunawaan niya ang desisyon ng anak. Sa kuwarto, halos hindi na makita ni Cynthia ang iniempakeng mga damit dahil sa luhang tumatakip sa kanyang mga mata. Ang nakasaad sa isang Christmas card ang nagpaluha sa kanya—“Nanay, umulan at umaraw…walang iwanan, ha? Merry Chritmas!”

Bigla, inihagis ni Cynthia pabalik sa cabinet ang mga damit ng inang naitiklop na niya sa maleta. Nagkaroon ng relisasyon. Hindi puwede. Bumagyo man at lumindol ng isang libong beses, hindi niya iiwan ang kanyang ina!

“Lintik…mawalan man ako ng asawa…maraming lalaki pero iisa lang ang aking ina!”

ACIRC

ALAM

ANG

BIGLA

BUMAGYO

CYNTHIA

INA

ITALYANO

MERRY CHRITMAS

MGA

NIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with