^

Punto Mo

Love facts

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

(Last part)

l Ang taong nakadarama ng totoong pag-ibig sa isang tao ay malaki ang tsansang magselos kahit sa walang kakuwenta-kuwentang bagay.

l Dalawa sa limang babae ay nakakaranas ng takot na baka wala silang mahanap na true love. Ngunit mas lalong nakakatakot kung wala man lang kahit isang manliligaw.

l May katotohanan ang love at first sight.

l Ayon sa mga psychologists, hindi makukuntento sa pagiging magkaibigan lamang ang lalaki at babae. Gugustuhin ng isa sa kanila, na maging higit pa doon ang kanilang relasyon.

l May mga babaeng mas naaakit sa lalaking hindi niya sigurado kung may gusto ito sa kanya.

l Kapag nais malaman kung may gusto sa iyo ang kausap mo, titigan ang kanyang “pupil”. Lumalaki raw ito ng 45 percent kung nakatingin siya sa taong crush niya.

l Madalas ay babae ang unang nagsasabi ng I Love You.

l Kapag naghahanap ng pangmatagalang relasyon ang isang tao, mas gugustuhin niya ang magandang mukha kaysa magandang pangangatawan.

l Habang binabasa mo ito, naririnig mo sa iyong isipan ang boses ng iyong minamahal.

l Base sa psychological study, ang “crush” ay tumatagal lamang ng apat na buwan. Kung higit pa roon, pag-ibig na iyon.

l Kadalasan, kapag nakakakita ang isang lalaki ng attractive na babae, hindi nila namamalayang inaayos nila ang kanilang posture at lukot ng damit. Kung nakatayo ay itinutuwid nila ang kanilang balikat at torso upang magmukhang matangkad.

l Kapag ang yakap mo sa isang tao ay tumagal nang mahigit sa 20 seconds, ang katawan mo ay naglalabas ng “oxytocin” na nagiging dahilan para pagtiwalaan mo ang taong kayakap mo.

l Ang mag-asawang laging nagtatawanan araw-araw ng at least 10 minutes ay nagkakaroon ng matibay na samahan at pagmamahalan.

l Ang magandang hugis ng legs ng babae ang pinakaseksing bahagi ng katawan, ayon sa survey sa mga kalalakihan.

l Ang palatandaan na malaki ang crush ng lalaki sa isang babae ay lagi nitong binabanggit ang babae sa kanyang mga kaibigan.

DALAWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with