^

Punto Mo

‘Road rage na naman!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KUNG isa ka sa mga motoristang laging aburido, laging mainit ang ulo sa likod ng manibela, ‘wag ka nang magmaneho!

 Tatlong bagay lang ang iyong kakahantungan, kung hindi pagamutan, bilangguan, libingan.  

 Road rage ang tawag sa estado na ito kung saan ang isang motorista nagiging bayolente sa lansangan.

 Kapag naiipit sa matinding trapiko, nagiging bayolente ang reaksiyon tulad ng pagmumura, pangungutya, pananakit at madugong kompron­tasyon na nauuwi sa pagpatay sa kapwa motorista.

 Kung hindi makikipagkarera, pilit makikipaggitgitan makasi-ngit lang. Pinaiiral ang katarantaduhan, kagaguhan at pagiging siga na akala yata uubra. Aastang hari na akala sila lang ang may karapatan sa kalsada.

 Ilan sa mga pangunahing  factor o sanhi ng road rage ang problemang emosyunal, pinansyal at psychological.

 Maaaring may bumabagabag sa isang motorista, problema sa pamilya, sa pinapasukang trabaho o kinakapos ang kita.

 Nitong nakaraang araw lang,  may isa na namang bagong biktima ng road rage sa Pasig.  Ang dahilan, gitgitan sa lansangan.   

 Hindi na mabilang ang road rage sa lansangan. Ngayong holiday rush siguradong tataas pa ang estatistika dahil wala naman talagang nasasampolan at natuturuan ng leksyon.

 Kawalang-ngipin at kahinaan ng batas ang pangunahing dahilan kung bakit marami ang mga naghahari-harian, abusado, “tarantado” at siga sa lansangan.   

• • • • • •

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

 

 

AASTANG

ABANGAN

ACIRC

ANG

CENT

ILAN

KAPAG

KAWALANG

MAAARING

NBSP

NGAYONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with