^

Punto Mo

EDITORYAL – Dumarami ang kaso ng HIV-AIDS

Pang-masa

GINUNITA ang World AIDS Day kahapon. Sabi ng UNAIDS, bumaba ang kaso ng mga nagkaka-HIV-AIDS sa buong mundo, maliban sa siyam na bansa at isa rito ang Pilipinas. Ayon sa UNAIDS, ngayong 2015 bumaba ng 35 percent ang mga nagka-HIV-AIDS infection mula nang tumaas ito noong 2000. Bumaba rin ngayong taon ng 42 percent ang mga namatay dahil sa nasabing sakit mula nang tumaas ang bilang noong 2004.

Maganda ang hatid na balita ng UNAIDS sa tinutungo ng nakamamatay na sakit subalit hindi naman maganda ang nangyayari sa bansa kung saan ay dumadami ang nagkakaroon ng HIV-AIDS infection. Lubhang nakababahala ang biglang pagdami ng mga HIV-AIDS na ayon sa report ay mayroong 6,555 kaso mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon. Noong nakaraang taon, 6,011 ang naitalang kaso. Lubhang napakabilis nang pagdami ng mga nagkakasakit sapagkat sa loob lamang ng isang taon ay lumobo na agad ito at tila hindi na mapigilan.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang mga nagpa-positive sa HIV-AIDS ay mga kalalakihang nakikipagtalik sa kapwa lalaki. Nasa 80 percent   ang mga kaso nang pakikipagtalik sa kapwa lalaki. Ayon sa DOH, hindi gumagamit ng protection o ng condom ang mga nagtatalik. Sumunod na nagpopositibo sa HIV-AIDS ay ang mga drug user kung saan nag-iinject sila ng droga gamit ang iisang heringgilya kaya nagkakahawahan.

Isang dahilan kung bakit may mga nahahawa pa rin sa kabila ng mga programa at babala ng DOH ay dahil sa kawalan ng kaalaman sa sakit na HIV-AIDS. Sa TV report kahapon, sinabi ng isang lalaking nagtatrabaho sa call center na nahawa siya dahil wala siyang nalalaman sa AIDS.

Kamangmangan ang dahilan kaya siya nagkasakit. Nararapat pang paigtingin ng DOH ang kanilang kampanya laban sa AIDS. Kung hindi matuturuan ang mamamayan, marami ang mamamatay sa sakit na ito.

AIDS

ANG

AYON

BUMABA

DEPARTMENT OF HEALTH

ENERO

HIV

ISANG

KAMANGMANGAN

LUBHANG

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with