^

Punto Mo

Positive Life Tips

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

1—Kung dinatnan ka ng biglaang suwerte at naging mil­yonaryo, huwag mo itong ipagsasabi. Hangga’t maaari, ilihim ninyo ito sa publiko at huwag magyayabang. Mag-usap kayong mag-anak na kayo na lang ang magkakaalaman sa nangyaring suwerte.

Bukod sa iwas-inggitero at kidnaper, mabuti na rin umiwas sa mga “manghihingi” at mapagsamantalang kamag-anak. Kung gusto ninyong maging “generous”, gawin ninyo ito nang hindi ibinibisto na milyonaryo na kayo.

2—Kapag nanginginit ang iyong katawan, kahit sa anupaman dahilan, buhusan ng malamig na tubig ang pulso (wrist). Bukod dito, puwede rin basain ang batok, sentido, bukung-bukong at paa. Makakatulong ang lahat ng ito upang mapababa ang temperatura ng katawan.

3—Laging magbaon ng ekstrang damit at underwear sa inyong kotse.

4—Sa isyu ng pagpapautang, ang halaga na dapat ipautang ay ‘yung halagang kahit hindi ka bayaran ay matatanggap mo nang maluwag sa iyong puso.

5—Huwag gagawa ng desisyon kapag galit. Huwag din mangangako kapag masaya ka.

6—Ang madalas pagsisihan ay ang mga bagay na hindi mo nagawa. Kaya mabuti na ang sumubok at nabigo. At least nalaman mo ang bunga ng iyong ginawa at nagbigay ito sa iyo ng aral.

7-- “Never argue with a stupid person, they’ll drag you down to their level and beat you with experience.”

— Mark Twain

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BUKOD

HANGGA

HUWAG

ITO

KAPAG

KAYA

LAGING

MAKAKATULONG

MARK TWAIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with