^

Punto Mo

Dobleng pagbabantay, ’wag maging kampante

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Matindi ang naganap na terrorist attacks sa Paris, France noong Biyernes ng gabi.

Mahigit sa 120 katao ang nasawi, habang daan-daan ang nasugatan.

Ayon sa report planadong-planado ang ginawang pag-atake na magkakasabay sa anim na site.

Ngayong linggo naman na ito, isasagawa sa bansa ang APEC summit, kaya nga kung gaano katindi ang ginawa nang paghahanda, dapat siguro mas doblehin pa ngayon lalu na ang may kinalaman sa security ng mga magsisidalong delegado ng ibat-ibang bansa.

Tama lang na isantabi muna ang pulitika sa panahong ito at magkaisa para mabigyang proteksyon ang mga dadalo sa summit.

Ang buong bansa ang malalagay sa matinding kahihiyan sakaling may mangyaring hindi maganda.

Tama na muna ang pasaway, at ang kailangan dito eh matinding pagkakaisa.

Bagamat wala umanong nakakalap na anumang terror attack ang mga awtoridad sa panahon ng APEC, hindi dapat na maging kampante kundi ipatupad ang matinding pagbabantay.

Marami ang mga apektadong daan na isasara, marapat lang na makipagkaisa muna at magpasensya muna tayo para na rin sa seguridad ng ating mga bisita.

Kailangan din na maging mapagmatyag at magbantay ang bawat isa lalo nasa banta ng terorismo na posibleng umatake lalo na sa oras na hindi inaasahan kagaya ng naganap sa Paris, France.

vuukle comment

ANG

AYON

BAGAMAT

BIYERNES

KAILANGAN

MAHIGIT

MARAMI

MATINDI

MGA

NGAYONG

TAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with