^

Punto Mo

Batang lalaki sa Brazil, kinagat ang makamandag na ahas hanggang mamatay

- Arnel Medina - Pang-masa

ANG pit vipers ay isa sa mga pinakamakamandag na ahas. Sinumang makagat ng ahas na ito ay agarang namamatay. Subalit sa nangyari sa isang bayan sa Brazil, nabaliktad ang pangyayari. Sa halip na ang viper ang mangagat, siya ang kinagat ng isang taong gulang na batang lalaki at namatay.

Naglalaro si Lorenzo at ang alagang aso sa bakuran ng kanilang bahay sa bayan ng Mostardas, nang isang pit viper ang biglang sumulpot. Nakipaglaban ang bata sa ahas at kinagat ito sa ulo.

Ang ina ni Lorenzo na si Jaine Ferreira Figueira ay nasa loob ng bahay at may ginagawa nang marinig ang ingay mula sa labas.

Nagmamadali siyang lumabas para tingnan ang nangyayari sa kanyang anak. Ganun na lamang ang pagkagulat niya sapagkat nakita niya ang anak na kagat-kagat ang ahas at may dugo sa bibig at damit.

Mabilis  niyang  tinawag ang asawang si Lucier at isinugod sa Sao Luiz hospital si Lorenzo.

Maski ang mga doctor ay manghang-mangha sa nangyari. Sa halip na si Lorenzo ang nakagat, ang ahas ang kinagat at napatay.

Ganunman, siniyasat ng mga doctor ang napatay na ahas at pinag-aaraalan kung dapat pa ring bigyan ng anti-venom si Lorenzo dahil nakagat nga nito ang ahas.

vuukle comment

AHAS

ANG

GANUN

GANUNMAN

JAINE FERREIRA FIGUEIRA

LORENZO

LUCIER

MABILIS

MASKI

MOSTARDAS

SAO LUIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with