^

Punto Mo

Sir Juan (24)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HALIKA sa opisina ko Nectar,” sabi ni Sir Juan nang nakapasok na sila sa bahay. ‘‘Pasensiya ka na kung naabala kita.’’

‘‘Okey lang Sir Juan.’’

“Meron ka yatang pupuntahan dahil parang nagmamadali ka.’’

“Ho? A e wala ho. May­roon lang akong sisilipin sana sa labas – yung nagtitinda ng fish ball,’’ sagot ni Nectar. Wala siyang maisip na paraan kundi iyon. Mabuti at hindi napansin na ang sinusundan niya ay si Mahinhin.

‘‘A ganun ba? Sandali lang naman ang sasabihin ko.’’

“Ano po ba ‘yun, Sir Juan?’’

“Halika sa opis ko.’’

Binuksan ni Sir Juan ang opis niya.

‘‘Maupo ka, Nectar.’’

Naupo si Nectar.

‘‘Napag-isip-isip ko na huwag nang ilipat sa room ninyo si Mahinhin. Mananatili na lamang siya sa kinalalagyan niya ngayon at bahala na kung magkaroon ng bakante sa ibang room pero definitely hindi sa room n’yo.’’

“Salamat naman Sir Juan. Ang bait mo talaga.’’

“Ang pakiusap ko lang Nectar ay sana magkasundo na kayo. Mahirap kasing may mga nag-aaway sa loob ng bahay. Sabi ng nasira kong ina, huwag kong pababayaan ang mga boarder na may kasamaan ng loob. Lagi ko raw panatilihin ang kapayapaan sa tirahang ito. Sana hindi na kayo mag-away o magkasamaan ng loob ni Mahinhin.’’

“Hindi naman kami nag-aaway Sir Juan.’’

“Gusto magkausap ka-yong dalawa ni Mahinhin at nang maging magkaibigan kayo.’’

“Sige po, Sir Juan.’’

“Salamat Nectar.’’

Pero kaiba ang iniisip ni Nectar. Gusto niyang mapaalis dito si Mahinhin.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

BINUKSAN

HALIKA

JUAN

MAHINHIN

NECTAR

SALAMAT NECTAR

SIR

SIR JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with