^

Punto Mo

Paralitiko nakalakad sa utos ng kanyang utak

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

ISA pang eksperimento para ma-kalakad ang mga paralisadong tao o yaong mga lumpo ang matagumpay na naisagawa ng isang grupo ng mga scientist sa University of California. Nalathala ang kanilang isinagawang eksperimento sa Journal of NeuroEngineering and Rehabilitation.

Ayon sa ulat, isang 26 anyos na lalake na limang taon nang paralisado dahil sa spinal cord injury ang muling nakalakad gamit ang isang system na kontrolado ng kanyang utak kasama na ng isang harness na sumusuporta sa bigat ng kanyang katawan.

Pinagsuot ng mga scientist ang pasyente ng isang cap na merong electrodes na tumutukoy sa mga signal ng kanyang utak. Ang mga electrical signal na ito ay katulad din umano ng sa signal sa mga electroencephalogram (EEG) test na ginagamit ng mga duktor. Ipinapadala ang brain signal na ito sa isang computer na nagbubukas naman sa kanyang mga brain wave. Ginagamit naman ito para magpadala ng mga tagubilin sa isang device na nagpapagising sa mga hita ng pasyente na dahilan para kumilos ang mga kalamnan nito.

Sa naturang sistema, nagawa ng naturang pasyente na makalakad sa layong 12 talampakan. Ginamitan muna siya ng walker at nagsuot ng harness para hindi siya matumba. Sa una ay nakabitin siya sa ere habang unti-unting naigagalaw ang kanyang mga paa hanggang sa ibaba siya at nailakad niya sa semento ang kanyang mga paa.

Ayon kay Dr. An Do, assistant professor ng neurology ng University of California, Irvine, nagagawa pa rin ng utak na makalikha ng mga brain wave na nakakapagpalakad sa mga paa kahit marami nang taong paralisado ang tao.

Sinasabi ng mga researcher na ang bagong pag-aaral ay isa pang pruweba sa konsepto na muli pa ring makakalakad pa rin muli ang isang taong naparalisa gamit  ang sarili niyang utak. Pero nilinaw nila na  sa  isang tao pa lang ginawa ang eksperimento kaya kailangan pa ang ibayong pag-aaral para malaman kung epektibo ang naturang sistema sa iba pang mga paralitiko. 

vuukle comment

ANG

AYON

DR. AN DO

GINAGAMIT

GINAMITAN

IPINAPADALA

IRVINE

ISANG

MGA

NBSP

UNIVERSITY OF CALIFORNIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with