^

Punto Mo

Sampaguita (162)

Ronnie Halos - Pang-masa

BINALUKTOT ni Ram ang alambre o barbed wire na nagsilbing hangganan ng lupa. Dahil sa kakaibang lakas ni Ram ay nabaluktot niya ang alambreng may tinik at naitaas upang magkaroon sila nang dadaanan. Nakatingin si Sam sa ginagawa ni Ram. Ubos lakas na pinagbabaluktot ni Ram ang alambre hanggang makagawa nang malaking awang na kasya silang sumuot.

“Kailangang makadaan tayo rito, Sam. Um! Um!”

Nang lumingon naman si Sam ay nakita niya ang tumatakbong si Levi na may hawak na baril.

“Malapit na si Levi! May baril siya! Diyos ko, Ram aabutan tayo!’’

“Dali, Sam, sumuot ka sa ilalim ng alambre dali!’’

Yumuko si Sam para sumuot sa ginawang butas. Dahan-dahan ang ginawa niyang pagsuot para hindi sumabit sa alambre ang kanyang suot na polo. Nakaalalay sa kanya si Ram. Itinaas pa ang alambre para hindi mahirapan si Sam.

Hanggang sa makalusot si Sam. Nakalabas siya sa lupang ari ni Levi.

“Dali Ram, ikaw naman ang sumuot. Malapit na si Levi.”

Yumuko si Ram para sumuot sa alambre. Dahan-dahan siya para hindi sumabit ang katawan sa tinik ng alambre. Sa isang pagkakamali ay tutusok sa kanyang katawan ang kalawanging tinik ng alambreng bakod.

Naipasok niya ang kanang paa at ipapasok na ang kaliwa nang biglang may humawak sa kanyang paa.

Nakita ni Sam ang ginawa ni Levi. Nagsisigaw siya.

“Ram! Ram!”

“Hindi ka makakatakas, ulol!” Si Levi! Hawak ng kanang kamay ang baril at ang kaliwa ay nakahawak sa paa ni Ram. Nakabitin si Ram at nawalan ng panimbang. Sumabit ang kanyang katawan sa alambre. Tumusok ang tinik sa kanyang tagiliran. Umagos ang dugo.

“Ha-ha-ha! Diyan ka na mamamatay, pakialamero ka! Matutuyo ka na diyan, ha-ha-ha!’’

Nagsisigaw pang lalo si Sam.

“Hayup ka! Hayup ka, Levi!”

“Tumigil ka, babarilin kita!”

Si Ram ay nahihirapan na sa posisyon na pagkakasabit sa alambre.

(Itutuloy)

ACIRC

ALAMBRE

ANG

DAHAN

DALI RAM

HAYUP

LEVI

MALAPIT

NAGSISIGAW

RAM

SAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with