^

Punto Mo

EDITORYAL – Papalapit na El Niño, handa na ba tayo?

Pang-masa

MARARAMDAMAN na ang bangis ng El Niño sa susunod na buwan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Matinding tagtuyot ang kinakaharap ng bansa na umano’y tatagal ng siyam na buwan. Ayon sa PAGASA, kasingtindi umano ng nangyaring El Niño noong 1997 ang maaring maranasan sa Oktubre at tatagal hanggang Hunyo 2016.

Ang El Niño ay ang hindi pangkaraniwang pag-init ng temperature ng karagatan sa central at eastern equatorial Pacific na magdudulot ng grabeng tagtuyot sa rehiyon sa Pacific at grabeng tag-ulan at baha naman sa iba pang rehiyon. Kung sa Pilipinas ay tagtuyot ang mararanasan, sa ibang bahagi ay malalakas na pag-ulan at malalaking pagbaha.

Nang magkaroon ng El Niño noong 1997 hanggang 1998, nagkaroon ng kakapusan sa pagkain at tubig. Mahigit 70 per cent ng bansa ang nakaranas ng grabeng tagtuyot. Umabot sa P8.46 billion ang nasira sa agrikultura nang matuyo ang may 74,000 ektaryang sakahan sa 18 probinsiya.

Ngayon pa lamang ay dapat nang maghanda ang pamahalaan sa pagsapit ng El Niño. Tiyak na ang unang maaapektuhan ay ang mga sakahan kaya dapat magkaroon na ng pag-aaral kung paano ito maiiwasan. Kung matutuyo ang mga tanim na palay, dapat magkaroon ng iba pang alternatibo. May mga pananim na matibay sa init kaya ang mga ito ang dapat itanim sa panahon ng pananalasa ng El Niño. Maraming halaman, gaya nang mais na maaaring itanim sapagkat matibay ito sa init. Kung siyam na buwan ang itatagal ng El Niño, maaaring magbunga at mapakinabangan ang mga mais.

Nararapat nang magplano sa mga gagawing cloud seeding at iba pang pamamaraan para mamintina ang tubig sa mga dam.

Kung mapagpaplanuhan at mapaghahandaan ang El Niño hindi gaanong mabibigla ang lahat sa pagsapit nito. Kailangan lamang ay ang pagtutulu­ngan ng bawat isa. Kung ang lahat ay makikiisa sa paghahanda sa pagtama ng El Niño, malalampasan ang problema gaano man ito katindi at kabigat.

Ang preparasyon sa anumang tatamang kalamidad ang magliligtas sa bawat isa.

ACIRC

ANG

ANG EL NI

ATILDE

AYON

EL NI

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

HUNYO

MGA

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

PLUSMN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with