^

Punto Mo

Condom, makatutulong laban sa HIV/AIDS (Part 1)

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

MATAAS ang kaso nang nagpopositibo sa HIV (Human Immunodeficiency Virus) ngayon lalo na sa mga kabataan na klasipikadong sexually active. Dati-rati, ang condom ay ginagamit lamang bilang isang family planning method. Hinahadlangan kasi nito ang pagsanib ng semilya sa mucous membrane sa loob ng vagina.

Pero ngayon, hindi lamang ito isang paraan ng family planning. Mas madalas ay ginagamit ito kapag hindi sigurado sa taong katalik. Mas mabuting maging matapat sa isang taong minamahal. Pero kung hindi kayo tiyak sa history ng taong makakatalik n’yo, nandiyan ang condom na tutulong para makaiwas kayo sa posibilidad ng sexually transmitted infections, kasama na ang HIV infection (na kalaunan ay mauuwi sa AIDS kapag nasira na ang immune system ng isang tao).

Hindi maipapayong maging mapangahas o promiscuous sa mga sexual encounters, pero kung nalagay kayo sa ganitong sitwasyon, kailangang proteksiyonan n’yo ang sarili. Mas mahirap ang kakaba-kaba kayo matapos ang isang pakikipagtalik na walang proteksyon. Huwag gagawing basehan ang pisikal na hitsura  ng isang tao para magdesisyon kung gagamit ng condom o hindi. Hindi dahil maganda (o guwapo) at mabango (o mukhang malinis) ay hindi na kayo gagamit nito. 

Karamihan sa condoms ngayon ay yari sa latex rubber. Pero may mga condom din na gawa sa manipis na polyurethane (plastic) o polyisoprene. Mas gusto ng iba ang ganitong mas manipis sapagkat mas nakararamdam daw sila ng sensation dito at puwedeng gamitin ng mga taong sensitive sa latex rubber. Pero sinasabing mas marupok ito kumpara sa latex rubber. Ngayon nga ay mapapansing may iba-ibang hitsura ang condom. 

Bakit safe itong gamitin laban sa HIV? Kahit ubod ng liit ng HIV virus, hindi ito makakaalpas sa latex. Pero ang mga condom ay may expiration date din. Maiging i-check ang lalagyan nitong pakete. Kadalasan, ang mga condom na naglalaman ng spermicide (pampatay ng sperm cells) ay nagtatagal lamang ng dalawang taon. Pero yung walang lamang spermicide, puwedeng gamitin sa loob ng 5 taon. Ngayon, kung hindi kayo tiyak kung gaano na katagal ang condom, itapon na lamang ito at bumili ng bago, lalo na kung mukhang malutong na ito, nagdidikit-dikit, o parang kupas na ang hitsura.

Bilang isang family planning method, sinasabing epektibo naman ang condoms. Nasa 85 to 98% ang effectivity depende sa pagkakagamit nito. (Itutuloy)

vuukle comment

ANG

BAKIT

BILANG

CONDOM

DATI

HINDI

HUMAN IMMUNODEFICIENCY VIRUS

ISANG

MAS

NGAYON

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with