^

Punto Mo

Sampaguita (134)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PALAGAY ni Viring, nalilito si Sampaguita sa mga nangyayari. Hindi nito malaman ang gagawin. Paano niya paghihigantihan si Levi ngayong may utang na loob siya rito? Iniligtas siya nito sa dalawang magnanakaw. At malamang na tinanggap na nga ang pag-ibig. Ang hindi niya alam ay kung naipagkaloob na ni Sam ang sarili kay Levi. Kahapon ay nakita niyang naglalambingan ang dalawa. Sana naman, hindi pa.

Hanggang mapansin niya nang mga sumunod na araw ang mga kakaibang kilos ni Sam. Laging nakatulala ito. Hanggang sa makita niya itong umiiyak. Hindi maintindihan ni Viring ang nangyayari kay Sam. Mukhang mabigat ang problema nito. Hindi iiyak si Sam kung walang problema.
Pinasok na niya ito sa kuwarto at kinausap nang masinsinan.

“Sam, may problem ka ba? Sabihin mo sa akin at baka makatulong ako.’’

Huminga nang malalim si Sam. May luha sa pisngi.

“Nahihirapan na ako, Ma­nang Viring. Hindi ko malaman kung bakit nahuhulog ang loob ko kay Levi. Naguguluhan ako. Naggi-guilty rin dahil may pangako ako kay Sir Manuel. Hindi ko alam ang gagawin. At lalo pa akong nakokonsensiya dahil mistulang aabandonahin ko si Ram. Ano ba ang gagawin ko? Nahihirapan na ako.’’

Walang kakurap-kurap si Viring. Tama ang hula niya. Umiibig nga si Sam kay Levi.

“Kung ano ang alam mong tama, gawin mo, Sam. Mauunawaan ka naman ni  Sir Manuel.’’

“Paano mo nalaman, Manang Viring?”

“Nakausap ko si Sir Manuel. Sinabi ko ang mga nangyayari wala raw siyang magagawa kung magbago ang iyong pasya. Noon pa raw ay inaasahan na niya na maaring magbago ang pasya at maaaring hindi matuloy ang paghihiganti mo kay Levi.’’

Hindi makapagsalita si Sam.

“Okey lang sa kanya Sam. Kahit daw hindi matuloy ang paghihiganti mo  kay Levi. Hindi siya nagagalit.’’

Walang kamalay-malay ang dalawa na nakapasok na sa bahay si Levi at nakikikinig sa kanilang pag-uusap. Dinig na dinig nito ang lahat ukol sa kanya!

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

HANGGANG

HINDI

KAY

LEVI

MANANG VIRING

NAHIHIRAPAN

NIYA

SAM

SIR MANUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with