^

Punto Mo

Desisyunan ang kaso vs Poe

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

HABANG papalapit ang 2016 presidential elections, nasasalang na sa sinasabing paninira ang mga malalakas na kandidato batay sa mga resulta ng survey sa bansa.

Isa na rito si Sen. Grace Poe na may kinakaharap na disqualification case matapos kuwestiyunin ang pagka-senador nito.

Nauna rito, namamayagpag si Vice President Jejomar Binay sa mga survey subalit sumadsad matapos ang kaliwa’t kanang imbestigasyon at pagsasangkot sa kanya at pamilya sa umano’y katiwalian.

Pero sa ngayon na pinuputakti si Poe ng mga alegasyon at pagkuwestiyon sa kaniyang citizenship at residency, makabubuting sagutin niya upang matapos na ang usapin.

Maaring matuldukan lang ang nasabing kuwestiyon sa citizenship at residency kung ito ay dedesisyunan sa Korte Suprema.

Hindi dapat masamain ni Poe ang mga ganitong kuwestiyon dahil normal ito sa pulitika sa bansa.

Bukod sa kuwalipikasyon sa pagkandidato, asahan na ni Poe na hahalukayin din ang kanyang buong buhay.

Mayroon mang nasa likod o wala sa isinampang disqualification case sa kanya ni Lito David, makabubuting ak­siyunan ito ng Senate electoral tribunal.

Kung hahantong ito sa Korte Suprema, agad na desisyunan para matuldukan na ang kaso.

Huwag nang pakinggan ang mga legal opinion ng ilang personalidad dahil walang saysay kahit nagmula pa sa mga batikang abogado at da­ting Chief Justice.

Ang Korte Suprema laman­g ang magdedesisyon kung kuwalipikadong kumandidato si Poe.

ACIRC

ANG

ANG KORTE SUPREMA

BUKOD

CHIEF JUSTICE

GRACE POE

HUWAG

KORTE SUPREMA

LITO DAVID

MGA

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with