^

Punto Mo

Mga katotohanang kakaunti ang nakaaalam

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Kung ang galit mo sa iyong minamahal ay tumagal sa higit pa sa tatlong araw, may tsansa na hindi tunay na pag-ibig ang nadadama mo sa kanya. Ang tunay na pag-ibig ay mabilis magpalambot ng sama ng loob.

• Naghihinala ka na fake number ang ibinigay sa iyo? Basahin mo ito sa kanya na sinadya mong baliktarin ang last four digits. Kapag hindi ka niya itatama, malamang na peke ito at hindi siya interesadong ibigay ang numero niya.

• Ang pakikipag-usap sa sarili sa harap ng salamin kung saan nagbibigay ka ng lakas ng kalooban, ay talagang makakatulong  upang patatagin at palakasin ang iyong isipan.

• Ang mahiyaing tao ay kadalasang matalino at mapagkakatiwalaan.

• Ang first impression ay hindi permanente. Ang mas matagal na pakikipag-ugnayan sa isang tao ay maaaring makapagpabago nang pananaw mo tungkol sa kanya.

• Huwag mong hayaang mapangibabawan ang iyong damdamin ng iyong katalinuhan.

• Sampung tao, sampung iba’t ibang opinyon tungkol sa iyo, kaya tigilan mo na ang pagpapa-impress dahil imposibleng magustuhan ka ng lahat ng tao. Magpakatotoo ka lang palagi.

• Huwag mong ikumpara ang “page 5” mo sa “page 20” ng iba. Tigilan mo na ang paghahambing ng buhay mo sa buhay ng iba. Iyan ang ugat ng pagiging inggitera.

• Kung uunahin mo ang kaalaman at talino, patuloy na darating ang pera sa iyo.

• Hindi ka totoong nabigo, may natutuhan ka lang.

TRUTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with