^

Punto Mo

EDITORYAL — Huwag kalimutan, aral sa Dengvaxia

Pang-masa
EDITORYAL — Huwag kalimutan, aral sa Dengvaxia

TUMATAAS ang bilang ng dengue cases. Ayon sa Department of Health (DOH), mula Enero hanggang Hunyo 2025, may naitala ng 123,291 kaso ng dengue. Mas marami ito kumpara noong nakaraang taon sa kaparehong buwan.

Sa pagtaas ng kaso ng dengue, inihayag naman ng DOH ang tungkol sa Odenga vaccine ng Japan na sinasabing epektibo laban sa dengue.  Ang Odenga ay ginawa ng Takeda Pharmaceuticals. Hindi pa umano ito naiisyuhan ng certificate of product registration dahil kulang pa ng dalawang requirements.

Ayon kay DOH Secretary Teodoro Herbosa, bago maaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Odenga, kailangan munang magsumite ng risk management plan ang Takeda Pharmaceuticals sakaling may hindi magandang mangyari na katulad nang nangyari sa Dengvaxia.

Wala pang kaseguruhan kung ang Odenga vaccine ay gagamitin sa Pilipinas. Marami pa itong pagdadaanan bago maaprubahan sapagkat hanggang sa kasalukuyan, sariwa pa ang kontrobersiyang nilikha ng Dengvaxia. Nararapat pag-isipang mabuti ng pamahalaan kung ang bagong dengue vaccine ay makabubuti ba o makapeperwisyo sa buhay.

Hindi ba ito matutulad sa Dengvaxia na nawalan ng kredibilidad dahil sa malaking pagkakamali. Ang pagkakamali ng Dengvaxia ay inamin mismo ng Sanofi Pasteur, manufacturer nito makaraang gamitin sa mga bata sa Pilipinas.

Noong Abril 2016, mahigit 700,000 batang mag-aaral sa National Capital Region (NCR), Calabarzon at Central Luzon ang binakunahan ng Dengvaxia na inaprubahan ng DOH. Pinapila at binakunahan ang mga bata na hindi muna inalam kung nagka-dengue na ang mga ito o hindi pa. Batay sa imbestigasyon, may mga batang namatay makaraang mabakunahan. Sinuspende ang paggamit ng Dengvaxia sa Pilipinas. Hanggang ngayon, ang isyu sa Dengvaxia ay nananatili at hindi na marahil mawawala sa isipan ng kaanak ng mga nabiktima.

Mahalaga ang bakuna laban sa dengue pero dapat munang pag-isipan nang maraming beses kung ang ini-introduce na vaccine ay hindi makapipinsala. Subok na ba ito at hindi magdudulot sa kamatayan ng mga babakunahan.

Habang pinag-aaralan, ipagpatuloy ng DOH ang kampanya laban sa lamok na naghahatid ng dengue. Ipagpatuloy ang pagpapaalala sa publiko na ang paglilinis sa bakuran at sa loob ng bahay ay mahalaga upang malipol ang mga lamok. Ngayong tag-ulan, tiyak na darami pa ang mga lamok. Itapon ang mga posibleng pangitlugan ng lamok—basyong bote na puno ng tubig, tapyas na gulong, mga paso ng halaman. Linisin ang mga kanal o estero na hindi umaagos ang tubig dahil sa basura. Sa ganitong paraan, hindi lalaganap ang dengue. Habang walang bakuna, ito ang nararapat.

DENGVAXIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with