^

Punto Mo

Mabilis lang maging mabait…pero bakit ‘yung iba, nahihirapang gawin ito?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MASAMA ang loob ni Cesar sa pagdating ng matandang balikbayan na malayong kamag-anak ng kanyang misis. Ang matandang 76 years old ay umuwi sa Pilipinas nang malamang dadalhin siya ng mga anak sa nursing home sa Amerika.

Tumakas ang matanda kaya wala itong bitbit kundi tatatlong damit at 100 dollars lang. Palihim siyang bumili ng tiket pauwi dito kaya ni isang  pasalubong ay wala siyang naibigay sa pamangking si Lina na misis ni Cesar. Mga malalayong kamag-anak na lang ang maaari niyang puntahan dito dahil lahat ng kanyang anak ay nasa Amerika.

Dagdag na palamunin ang tingin ni Cesar sa matandang bisita. Kaagad na nahalata ng matandang tiyuhin ang pagkadisgusto sa kanya ni Cesar kaya ito’y kaagad nagpaalam at doon sa kapatid ni Lina na si Maria nakituloy. Agad tinanggap ng pamilya ni Maria ang matanda.

Mabait at maunawain ang mister at mga anak ni Maria kaya nag-enjoy ang matanda sa piling ng mga ito sa kabila ng kahirapan. Isang araw ay nabigla ang matandang balikbayan nang dumating ang isa niyang anak galing sa Amerika. Sinusundo na nito ang ama at sabay pangakong hindi na nila ipapasok sa nursing home ang matatanda.

Pagkaraan ng isang buwan matapos bumalik sa Amerika ang matanda, may dumating na sulat kay Maria. Galing ang sulat sa matandang tiyuhin. Mayroon itong instruction: Mag-open ito ng account sa bangko gamit ang ilang dolyar na isiningit nito sa sulat. Pagkatapos ay isulat niya sa matanda ang address ng banko at account number. Agad sumunod si Maria sa instruction.

Pagkatapos ng ilang linggo ay muling sumulat ang matanda. I-check raw ni Maria ang account niya sa bangko. Halos himatayin si Maria nang makita niya ang figure na lumabas sa kanyang bank book. Isang kayamanan sa kagaya nilang mahirap. Inggit na inggit si Cesar nang mabalitaan niya ang malaking pera na ibinigay ng matandang ipinagtabuyan niya.

AMERIKA

ANAK

DAGDAG

INGGIT

ISANG

KAAGAD

MABAIT

MARIA

MATANDA

PAGKATAPOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with