^

Punto Mo

EDITORYAL - Daming bata ang inabuso’t nilabag ang karapatan

Pang-masa
EDITORYAL - Daming bata ang inabuso’t nilabag ang karapatan

NOONG nakaraang taon, naitala ang 18,756 na kaso ng paglabag sa karapatan ng mga bata, ayon sa Council for the Welfare of Children (CWC). Nangu­nguna sa kaso ang panggagahasa at pumapangalawa ang acts of lasciviousness. Ayon kay CWC Director Angelo Tapales, mula pa 2016, nangunguna ang rape at acts of lasciviousness sa mga kaso ng paglabag sa karapatan ng mga bata. Patuloy na hinihikayat ni Tapales ang publiko na ireport ang mga pang-aabuso at paglabag sa karapatan ng mga bata sa Makabata help­line 1383.

Noong 2022, nireport ng CWC na 9,000 mga bata ang pinagmalupitan at nakaranas ng sexual abuse. Nakagigimbal na dumoble ang bilang noong 2023. Ayon sa CWC, ang mga report ng pang-aabuso ay kinuha nila sa mga children protection units sa mga ospital at sa helpline ng CWC. Ang nakagugulat sa report ng CWC, nangyari ang pang-aabuso sa mga bata sa loob mismo ng kanilang tahanan. May mga naganap din na pang-aabuso sa paaralan at komunidad. Ayon sa CWC, ang mga batang inabuso ay nasa edad 15-17.

Sa imbestigasyon ng International Justice Mission noong 2023, isa sa bawat 100 bata o halos kalahating milyong batang Pilipino ang inaabuso at ikinakalat ang kanilang mga litrato at video at ang gumagawa nito ay sariling magulang. Mga menor de edad ang nabibiktima at pinagkakakitaan sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga larawan at video sa mga dayuhan. Mga ina ang karaniwang gumagawa ng pagbebenta ng mga hubad na larawan o sex live show ng kanilang mga anak.

Noong nakaraang linggo, isang nanay ang naaresto ng National Bureau of Investigation-Human Trafficking Division (NBI-HTD) sa Taguig City, habang kinukunan ng video ang dalawa niyang menor de edad na anak na babae. Ayon kay NBI Direc­tor Jaime Santiago, nahuli­ nila ang nanay nang makatanggap sila ng impormas­yon na may facilitator sa Pilipinas na nagpapadala ng sexually exploitative images at vi­deos ng minors sa U.S. Kumuha sila ng warrant sa korte at agad nagsagawa ng entrapment operation sa suspek. Nahuli ang nanay at na-rescue ang dalawang anak na menor de edad. Kinasuhan ang nanay ng paglabag sa RA 7610.

Maraming nagaganap na pang-aabuso sa mga bata. Tulungan sila sa pamamagitan ng pagrereport sa mga awtoridad. Dapat mabulok sa kulungan ang mga guma­gawa ng kahayupan sa mga bata.

vuukle comment

COUNCIL FOR THE WELFARE OF CHILDREN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with