^

Punto Mo

Mayang (37)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

WALANG kakurap-kurap si Jeff sa nakita. Dalawang malaking “papaya” na mayabang sa pagka­kabitin. Katamtaman ang hinog at puwede nang pitasin!

Nananaginip ba siya?

O marami na siyang nainom?

Nagwawating-wating na ang kanyang paningin. Ngayon lang siya nakainom ng alak. Hindi talaga siya manginginom.

Kapag naghahapi-hapi sila ng kanyang mga kasamahan sa New Zealand ay isang lata lang siya ng beer. Hindi niya gusto ang lasa ng beer doon. Mas masarap ang beer sa Pinas.

Talagang mahina siya sa inuman. Madali siyang tamaan. Nahihilo agad siya.

“Jeff, sino ang maganda sa amin ni Mayang?’’ tanong ni Puri habang inilalapit ang hubad na katawan kay Jeff.

“Ha? A e…’’

“Bakit hindi ka makasagot? Sino ang mas maganda sa aming dalawa?’’

Napabuntunghininga si Jeff.

Hindi niya alam ang isasagot.

Ang sunod na ginawa ni Puri ang hindi inaasahan ni Jeff.

Kinuha ni Puri ang kanang kamay ni Jeff at isinapo sa isa sa mga “papaya”!  (Itutuloy)

TRUE CONFESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with