^

Punto Mo

Kakaibang nunal at ‘skin tags’

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

HINDI lahat nang nunal ay harmless. May tinatawag tayong atypical moles (o atypical nevi). Ito yung mga nunal na iba-iba ang kulay o may irregular na hugis o border o higit na malaki kaysa sa mga karaniwang nunal.

Pero ang tendency na magkaroon ng “atypical moles” ay nasa lahi. Hereditary, sabi nga. Kahit kakaunti lamang ang nunal sa katawan pero kung masasabing atypical naman ang mga ito, nandoon ang medyo mataas na panganib na mauwi ito sa melanoma (o cancer sa nunal). At mas lalong tumataas ang panganib kapag may kapamilya na nagkaroon na ng melanoma.

Sakaling may kasaysayan ang pamilya n’yo ng melanoma, maiging maging mapagmasid sa mga pagbabagong maaaring mangyari sa inyong nunal. Makabubuting magtungo sa isang dermatologist taon-taon para ma-monitor maigi ang atypical mole na ito. Yung iba, kahit wala pang nangyayaring pagbabago sa nunal nila ay ipinatatanggal na ito. Hindi naman delikado ang procedure na ito. May isa akong kaklase sa medical school na kapansin-pansin ang malaking nunal sa kanyang pisngi (na may buhok pang tumubo) na nagdesisyong ipatanggal ito. Siyempre, kinakailangang i-biopsy ang naturang nunal bilang routine procedure. Mabuti’t “benign” (di-cancerous) ang resulta nito kung kaya nakahinga siya nang maluwag.

Hindi mabuti ang matinding sikat ng araw para sa mga nunal na kakaiba. Ang pagbibilad sa araw ay hindi makabubuti at puwede pa ngang itaas nito ang panganib nang pagkakaroon ng mole cancer. Kaya talagang maipapayo ko sa mga taong may atypical mole na iwasan ang pagbibilad sa init ng araw.

Dito natin kakailanganing higit ang tulong ng mga sunblock lotion. Dapat gumamit ng sunblock lotion na may mataas na “sun protection factor” (SPF) para maprotektahan ang atypical mole na ito sa nakakakanser na ultraviolet rays (UV rays) ng sikat ng araw.

Sa kabilang banda, maaaring napapansin n’yo rin sa balat n’yo ang ilang kuntil o ang mga tinatawag nating “skin tags.” Ano ba ang mga ito?

Madalas, ang mga ito ay maliliit lamang o malalambot na skin growths na kakulay ng ating balat na mas napapansin sa dakong leeg, kili-kili, o sa may singit. Huwag ipagkamaling ito’y warts o kulugo. 

Hindi naman karaniwang nagdudulot ng problema ang mga naturang skin tags puwera na lang kung ito ay tumubo sa lugar na madalas tamaan ng damit o alahas. Puwede kasing mairita o magdugo ang mga skin tags na ito kapag paulit-ulit na nasasaling. Sa mga pagkakataong ganito, puwedeng tanggalin ito ng doktor ng scalpel o gunting o electrocautery matapos lagyan ng local anesthesia sa ilalim ng balat na kinatutubuan ng skin tags o skin growths.

ANO

ATYPICAL

DAPAT

DITO

HUWAG

KAHIT

NUNAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with