^

Punto Mo

Manong Wen (215)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MARAMING napagtanungan sina Jo at Princess kung may kilalang Violeta at anak na si Noime. Pero walang nakakakilala sa mga ito. Ilang araw silang tanung nang tanong kung may kakilalang Violeta at Noime pero negative lahat.

“Walang nakakakilala sa kanila Jo. Mas ma­ganda siguro kung may pictures ng mag-ina,” sabi ni Princess­.

“’Yun ang problema, Princess, walang pictures.’’

“Hindi kaya nasa Maynila na sila, Jo?’’

“Maaari.’’

“Ano ang balak mo?”

“Bukas magtanung-tanong pa tayo at baka sa­kaling may makapagsabi. Kapag wala pang nangyari, saka natin pag-isipan ang susunod na hakbang. Pero pipilitin kong makita sila at nang may maibalita ako kay Tatang Nado. Please Princess, alam kong nahihirapan ka na pero kailangan ko ang tulong mo.’’

“Siyempre tutulungan kita. Hindi kita iiwan kahit kailan, Jo.’’

“Salamat. I love you so much Princess.’’

“I love you too.”

Kinabukasan, muling nag­hanap sina Jo at Princess. Puspusan na ang ginawa nilang pagbabahay-bahay. Malapit sa dating tahanan noon nina Tatang Nado sila nagtungo. Umaasa sila na may mga tao pang nakaka­kilala kina Violeta.

Maraming tao sa lugar na pinuntahan nila. Halatang maykaya ang buhay ng mga naninirahan dahil dalawang palapag ang bahay. Mayroong mga lumang bahay.

Dalawang mag-asawang matanda ang kanilang pinagtanungan. Mukhang mabait ang mag-asawa.

“Magandang umaga po. May kilala po ba kayong Violeta na ang asawa ay Ilu­minado? Si Iluminado po ay inspector sa palengke noon.’’

Nag-isip ang dalawang matanda.

Unang nagsalita ang matandang lalaki.

“Oo kilala ko si Violeta. Siya yung martir na babae. Wala na sila rito. Nilayasan si Nado na ubod ng lupit.’’

“Meron ka pong alam kung saan nakatira ang mag-ina?”

“Balita ko nasa Maynila. Malapit daw sa simbahan ng Paco ang bahay. Madali lang makita.’’

“Marami pong sa­lamat.’’

Ilang araw ang nakalipas, nakita na nina Jo at Princess ang bahay. Nasa Pedro Gil St. Malapit sa simbahan ng Paco. Isang magandang apartment ang natagpuan nila.

(Itutuloy)

ILANG

MALAPIT

MAYNILA

NASA PEDRO GIL ST. MALAPIT

NOIME

PERO

PLEASE PRINCESS

TATANG NADO

VIOLETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with