^

Punto Mo

Turismo sa war zone, iniaalok ng isang kompanya sa Russia

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kompanya sa Russia ang nag-aalok na ngayon ng isang kakaibang tour package. Sa halip kasi na sa beach o kaya ay sa ibang pangkaraniwang tourist destination ay sa isang war zone sa Ukraine dadalhin ng travel company ang matatapang na turistang gustong sumubok ng tinatawag na ‘extreme travel.’

Dati nang nag-aalok ng tour packages ang Megapolis Kurort Company ngunit ngayon lang sila nag-alok ng tour sa isang war zone.

Kasama sa tinaguriang ‘extreme travel’ ang pagbisita sa mga siyudad ng Donetsk at Luhansk sa Ukraine kung saan nagbabakbakan ngayon ang mga sundalo ng gobyerno ng Ukraine at ang mga rebeldeng gustong sumapi sa Russia.

Nagkakahalaga ng $2,000 hanggang $3,000 o katumbas ng humigit kumulang P130,000 ang biyahe. Isasakay ang mga ‘turista’ sa isang tangke na magdadala sa kanila mula Russia papunta sa mga siyudad sa Ukraine kung saan kasalukuyang nagaganap ang pinakamatitinding bakbakan sa giyerang sumiklab halos isang taon na ang nakararaan. Bukod sa tangke, mayroon pang mga bodyguard ang mga turista para masigurado ang kanilang kaligtasan habang sila ay nasa war zone.

Ayon sa kompanya, may 10 tao na ang nagpahiwatig ng interes sa kanilang iniaalok na tour package­. Ipinapaalala naman ng kompanya na sa kabila ng pag-iingat na kanilang ga­gawin para sa kaligtasan ng kanilang mga parukyano ay wala silang magiging sagutin sa kanilang mga parukyano sakali may ano man ang mangyari sa mga ito habang sila ay nasa war zone.

AYON

BUKOD

DATI

DONETSK

IPINAPAALALA

ISASAKAY

KASAMA

MEGAPOLIS KURORT COMPANY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with