^

Punto Mo

Duterte sa 2016

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

LUMALAKAS  ang pana­wagan at suporta para makumbinsi si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na sumabak sa 2016 presidential elections.

Noong nakaraang linggo, napasyal ako sa Davao City at aking nalaman na  maayos ang performance ni Duterte sa nasabing siyudad. Kung may political will kayang madisiplina ang mamamayan at sa katunayan ang mamamayan ay sumusunod.

Napatunayan na kapag maayos at matino ang pamamalakad ng isang lider ay walang pasubali na  mismong ang mamamayan ay sumusunod. 

Isang halimbawa na lang ay ang ipinatutupad ng 30 kph speed limit sa siyudad at ito ay hindi naman pinapalagan ng mga motorista. Sa katunayan, ang mga traffic enforcer sa Davao City ay matino at bibihira ang nasasangkot sa pangongotong at pagtanggap ng lagay kaya maayos ang sistema.

Sa ngayon batay sa mga ulat, umiikot na si Duterte kaugnay ng kanyang “listening tour” mula sa Butuan, Zamboanga, Palawan, Cabanatuan, Cebu  at iba pang lugar kung saan, kanyang ipinapaliwanag ang adbokasiya para palitan ang kasalukuyang sistema para maging unitary at highly centralized form of government  tungo sa isang federal system na kasalukuyang umiiral na sa US, Canada, Malaysia, Germany, France at iba pang bansa.

May punto ang adbokasiya ni Duterte at makabubuting ikonsi­dera dahil paliwanag niya, palaging kontrolado ng sentro o national government tulad sa buwis at ang napupunta sa mga lalawigan ay latak na lang daw.

Sa kasalukuyang usapin ng panukalang Bangsamoro Basic Law, sinusuportahan ito ni Duterte basta’t matiyak na hindi ito lalabag sa Konstitusyon.

Sa ngayon, matindi ang problema ng bansa mula sa peace and order at iba pang usaping kapayapaan na nakakaapekto rin sa ekonomiya ng bansa ay kailangan ang isang lider na may sapat na karanasan at kahusayan at naipakita ito ni Duterte sa pamamahala sa Davao.

Marami nga ang nagsasabing kung ang lider ay matapang na haharapin ang lahat nang problema ay may tunay na paninindigan, magiging maayos ang kalagayan ng mamamayan.

Nakikita ang nasabing katangian kay Duterte batay na rin sa kanyang pamamahala sa Davao City.

Sa ngayon, hindi pa desidido si Duterte na sumabak sa 2016 presidential elections subalit maaring magbago ang ihip ng hangin na tanggapin ang hamon ayon na rin sa lumalakas na suporta sa kanya.

 

BANGSAMORO BASIC LAW

BUTUAN

CABANATUAN

CEBU

DAVAO

DAVAO CITY

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->