Bakit madaling mahalin si Pope Francis?
(Last Part)
…18 Kahanga-hangang Bagay na ginawa ni Pope Francis:
6. May malasakit siya sa kalikasan. Ang malaking bahagi ng Amazon Rainforest sa buong mundo ay nasa Brazil. Nang binisita niya ang nabanggit na bansa ay tinulungan niyang manawagan ang mga lokal ng Amazon na huwag sirain ang yaman ng kalikasan . Tinawag niya itong beautiful garden of humanity.
7. Isang babae ang sumulat sa kanya at nagsumbong na siya ay biktima ng panggagahasa. Tinawagan niya ang babae, kinausap at pinayapa ang kalooban.
8. Lihim siyang tumatakas sa Vatican pagsapit ng gabi upang puntahan at tulungan ang mga homeless.
9. Hinalikan niya at niyakap ang isang taong may neurofibramotis, a genetic disorder – puno ng mga bukol ang mukha at katawan ni Vinicio Riva.
10. Nilinaw niya na ang mga atheist ay mabubuting tao. Ang presidente ng Uruguay na umaming isang Atheist, ay itinuring na “good neighbour” si Pope Francis.
11. Itinatakwil niya ang sistemang paghihiwalay ng mayayaman sa mahihirap. Gamitin ang pera upang mabuhay ngunit huwag mabuhay para sa pera.
12. Nagtayo siya ng komite para umasikaso sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga bata. Ipinabago niya ang ilang batas ng Vatican hinggil dito upang mas lalo pa itong magkaroon ng “ngipin”.
13. Kinukondena niya ang karahasan ng digmaan sa Syria.
14. Kapag may bagong hirang na Papa, ang Vatican employee ay nakakatanggap ng bonus. Sa halip na ibigay sa mga empleyado ang bonus, pinili niyang ibigay ito sa kawanggawa.
15. Pinuna niya ang Simbahan na masyadong nagko-concentrate sa isyu ng kabaklaan, aborsiyon at kontrasepsiyon. Dapat na turuan muna ng Simbahan ang mga tao ng tunay na pagmamahal at malasakit sa kapwa.
16. Hinihimok niya ang pagkakaisa ng Muslim at Kristiyano.
17. Okey sa kanya ang makipag-selfie.
18. Mapagmahal sa mga bata. Kinunsinti niya ang isang bata na yumakap-yakap sa kanya at maglaro sa stage habang siya ay nagtatalumpati sa mga tao.
Source: www.littlething.com
- Latest