^

Punto Mo

‘Idiot’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NOONG nag-aaral pa ng abogasya si Mahatma Gandhi ng India, sa isang unibersidad sa London, may isang white professor na mainit ang dugo sa kanya. Suplado ang propesor at racist. Minsang nasa cafeteria ng unibersidad, tumabi si Gandhi sa propesor na nadatnan niyang kumakain na. Hindi nagustuhan ng propesor ang pagtabi sa kanya ng estudyanteng si Gandhi kaya nagsalita ito.

Mr. Gandhi, alam mo bang hindi puwedeng magtabi ang ibon at baboy kapag kumakain?

A, ganoon ba. Sige po at lilipad na lang ako doon sa kabilang mesa. Sorry po.

Gigil na gigil ang propesor kaya ginantihan niya si Gandhi sa grading oral recitation. Sinadya niyang pahirapan si Gandhi.

Mr. Gandhi, kung may nakita ka sa kalye ng isang sakong pera at isang sakong ‘wisdom’, alin sa dalawa ang pupulutin mo?

Siyempre po pera ang pipiliin ko.

Napangisi ang propesor.

Kung ako, mas mainam na wisdom ang kuhanin ko. Ang pera ay nauubos, pero ang ‘wisdom’… hindi!

Nagkibit balikat lang si Gandhi saka ulit sumagot.

Sir, kung ano ang wala ka, likas na sa tao na iyon ang pipiliin nila. Wala akong pera kaya iyon ang pinili ko.

Kapag may oral recitation, ang grade ay isusulat ng propesor sa card tapos pipirmahan niya. Iyon ang ibibigay sa estudyante.

Asar ang propesor dahil pasimple siyang binara-bara ni Gandhi. Kaya sa sobrang galit sinulatan niya ang card ng IDIOT at ito ang iniabot kay Gandhi. Kalmadong tinanggap ni Gandhi. Hinabol niya ang propesor.

Sir, pirma mo lang ang iyong isinulat sa card pero nakalimutan mong isulat ang grade ko.

MAHATMA GANDHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with