^

Punto Mo

Gastos sa operasyon

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

ANG isa sa kinakatakutan ng lahat ay ang pagdating ng ope­rasyon, lalo na ang gagastusin para rito. Saan may murang operasyon? Paano makapagtitipid?

Sa artikulong ito, ililista ko ang mga pangkaraniwang ope­rasyon, at humigit-kumulang ang magiging gastos ninyo sa pribadong ospital kumpara sa pampublikong ospital.

Malaki po ang maitutulong ng PhilHealth para mabawasan ang iyong gastos. Mayroon na ring NBB o No Balance Billing kung saan libre ang operasyon para sa mahihirap. Magtanong sa PhilHealth office o PhilHealth Desk sa ospital.

Sa mga walang PhilHealth card, heto ang inyong posibleng gastusin:

1. Gallbladder surgery o pagtanggal ng apdo:

Charity o government hospital: P 10,000 hanggang 20,000

Private hospital: P 60,000 hanggang 80,000

2. Myoma surgery o pagtanggal ng myoma sa bahay bata:

Government hospital: P 10,000 hanggang 20,000

Private hospital: P 60,000 hanggang 70,000

3. Thyroid surgery o pagtanggal ng goiter sa leeg:

Government hospital: P 10,000 hanggang 25,000

Private hospital: P 60,000 hanggang 80,000

4. Hernia surgery o pag-ayos ng luslos sa singit:

Government hospital: P 10,000 hanggang 20,000

Private hospital: P 60,000 hanggang 70,000

5. Angiogram o pagsilip ng mga ugat sa puso:

Government hospital tulad ng PGH o Heart Center: P 10,000

Private hospital: P 50,000 hanggang 80,000

6. Heart bypass surgery o pag-opera sa puso:

Government hospital: P 150,000 hanggang 200,000

Private hospital: P 500,000 hanggang 750,000

7. Cataract surgery o pagpalit ng lente sa mata:

Government hospital: P 5,000 o minsan libre

Private hospital: P 25,000 hanggang 40,000

Magtiwala at kumunsulta sa ating mga government hospitals tulad ng PGH, East Avenue Medical Center, Philippine Children’s Medical Center, at marami pang iba.

O papaano na iyan? Nahilo ba kayo sa dami ng “000”? May balak pa ba kayong manigarilyo, at kumain nang matatabang pagkain? Gusto pa ba nating abusuhin ang ating katawan sa pag-inom ng alak at iba pang bisyo? Kung wala kayong ganitong pera para magpaopera, ay maigi nang mamuhay ng malinis at kumain nang tama.

Huwag matakot magpatingin sa doktor. Alamin natin ang ating sakit ng maaga para malunasan ito. Huwag nang hintayin pa na umabot sa operasyon. Good luck.

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

GOVERNMENT

HANGGANG

HEART CENTER

HOSPITAL

HUWAG

MEDICAL CENTER

NO BALANCE BILLING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with